I NEVER TOLD YOU

28 1 0
                                    

CLARIZE

Masaya ako dahil finally, morning shift na din ako. Palagi ko na syang nakikita. Ilang araw after ng inuman nung birthday nya ay naging close kami.
Mas nakikilala ko sya. Talaga palang maloko sya at laughtrip pag kasama mo sya.
Magkaiba kami ng team pero palagi kaming magkatabi sa isang bay. Na iisue na nga kaming dalawa pero deadma lang.
Ang sabi kasi nya,
"as long as alam mo kung ano tayo o kung anong meron tayo, wag mong intindihin yung tsismis.
Basta malinaw sating dalawa na friends tayo so don't mind them."

Medyo makirot kasi friend lang talaga ako sakanya kahit alam nyang special sya sakin.
Kung sino man yung girl na hanggang ngayon e laman ng puso nya,.. kinaiinggitan ko. Hindi nya kailangan magpaka hirap o masaktan dahil mahal sya ng taong mahal ko.
Nakaka tawa lang kasi pareho kami ng sitwasyon ng taong gusto ko.
Pareho kaming hindi kayang mahalin ng taong mahal namin.

"Pst" kate

"May pangalan ako abnormal"

"Hahaha sungit ni bebegerl ah! Meron ka ngayon no?" Kate

"Wala! Mag trabaho ka nga puro ka pang aasar"

"I'm on lunch. Tara sa baba coffee tayo. My treat!😊" kate

Ayan ang ayoko e. Yung babanatan nya ako ng ngiti at palilitawin yung dimple. Haaays buhay nga naman oh. 
No choice na nag press na ako ng lunch. 5am-2pm ang sched namin pareho. 10am naman ang lunch.
Sabay na naglakad kami papunta sa lobby ng 5th floor kung saan ang office namin. Nauna sya para i tap ang id nya 

"Yep! Imma gentledog😁" kate

Inunahan na nya ako dahil palagi ko syang sinasabihan ng "gentledog" everytime na pagsisilbihan or aalalayan nya ako. Hindi daw kasi pwede ang gentleman. O diba may matabang utak sya😁

Pagdating sa elevator ay nilagay nya ang earphone nya at nagpatugtog ng fave song nya. Gawain nya yun twing kaming dalawa lang sa elevator. 
Nakakarindi!! Pero joke lang. Naeenjoy kong panuorin ang kagaguhan nya everytime Na concert mode sya.
Yesterday ni Leona Lewis ang malimit nyang kantahin.
Wala naman daw reason, basta trip nya lang na kantahin.

Sa SB kami tumambay at nag kape.
At tulad ng dati sya lang ang taya.
Yan ang rule nya e, pag sya ang nagyaya sya ang taya.
Sa ilang araw or weeks na kasama ko sya masasabi kong walang permanente sa kanya.
My goodness maloloka ka sa moodswing nya!
Pag tinopak, topak talaga.
Pag nag taray, sobrang taray.
Pag laughtrip, laughtrip talaga hanggang sa maghiwalay kayo.

"Masanay ka na. Eto ako ih. Kung gusto mong mag stay sa mundo ko,sakyan mo trip ko kasi ganun din ang gagawin ko.
Pero kung hindi mo gustong sumabay, e di magpaiwan ka. Wala akong balak maghintay. Mabilis ang ikot ng mundo ko"
Yan ang sagot nya ng minsang tanungin ko sya kung bakit ganun sya.
Hindi naman sa attitude problem pero parang mahirap sabayan. Lalo na ng slow hehe.

CHARM

Lately, napapansin ko na nagiging malapit si Kate at yung agent na galing ng graveyard shift.
Minsan parang may sariling mundo.
Everytime na dadaan ako sa bay nila parang ewan lang kasi hanggang ngitian at tinginan lang kami pag kasama nya yung girl na yon.
Pero pag sya lang, kinakausap nya ako.
Hanggang sa dumating sa point na gusto ko ng malaman kung ano talaga ang real score between them.
Wala kasing makapag sabi kung ano nga ba talaga.
One time, may kausap sya na customer at ganun din yung girl. If im not mistaken, Clarize ang name nya.
So ayun, niyakap ko si Kate from behind.
Walang reaction si Clarize. Si kate?? Ayun, tinignan lang ako. Peste lang diba?  Palpak ang move ko para mapansin nya ulit ako.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon