HOW LONG WILL I LOVE YOU

68 6 9
                                    

Selene

Two weeks after ng birthday ko, ngayon lang ulit kami nagkita. And oo namiss ko itong mokong na'to. Namiss ko ang kakulitan niya..

Masaya ako na nagkaroon ako ng mga bagong friends dahil sakanya. Katext ko na nga din sila ih.

Nandito kami ngayon sa mall at kumakain.
Sa Mcdo lang, eto favorite niya ih, fries and sundae.. Well favorite ko din naman ito kaya enjoy din^_^

"Anong favorite color mo?"
Out of nowhere na tanong ko.

"Green" mabilis niyang sagot habang dini dip ang fries sa sundae.

"Green?? Akala ko black?"
Kasi naman everytime na magkikita kami naka black siya-_-

"Heheh yan din iniisip ng mga hindi masyadong nakaka kilala sakin, maganda ang black. Pero sa damit ko lang siya gusto. Green talaga ang fave ko^_^" kate

"E bakit mo favorite ang green?"
Tanong ko habang nag dip din ng fries sa sundae.

"Ewan ko nga din ih. Basta narerelax ako sa kulay na yun." Kate

"E ikaw? Bakit favorite mo ang red?" Kate

"Ewan ko din ih. Basta gusto ko siya. Para kasing fire. And it also symbolizes love" ako

"Love? Hehe hindi lang naman color ang nag si symbolize ng love na yan.
Tumingin ka lang sa mata ko makikita mo na yang love na sinasabi mo;)"
Naka ngiting banat niya sabay kindat.

"Psh dami mo talaga alam! Hahah"
Pambabara ko sakanya.

"Hehe oo nga ih. Sa sobrang dami kong alam, ang sarap ko sigurong patahimikin noh? Hahaha wag mo kong ipa baril ha. Kung patatahimikin mo 'ko, gusto ko ikaw ang gagawa:)"
Banat ulit niya. Ahaha lakas maka teleserye ng trip niya. Yung tipong ipapa patay kasi madami ng alam

"Paano ko naman gagawin yun e hindi naman ako marunong pumatay? Balak ko nga humanap ng pwedeng bayaran para patahimikin ka ih. Hahaha!!"
Biro ko sakanya.

"Well,, hindi mo naman kailangang pumatay at mag waldas pa ng pera para patahimikin ako.
Sapakin mo na lang ako sa nguso using your kissable lips^__^"
After sabihin yun ay ngumuso siya

"Ahahaha!!! Baliw!"
Wala na natuluyan na siyang na aning!:)
Dapat pala hindi pinapa kain ng fries at sundae to ih, lalong dumadami ang nalalaman hahaha.

+++

Kate

Natutuwa talaga ako kapag nakikita at naririnig ko yung tawa niya.
Ewan ko ba, ngiti pa nga lang solve na solve na'ko.
Kaya kahit nagmumukang presko na'ko, sige pa rin ang banat ko, marinig ko lang yung tawa niya...
Pasalamat na lang ako na hindi siya napipikon or naiinis sa kahanginan ko.

About sa tanong ni Marian dati kung anong status namin, totoong good friends lang kami...

Oo na sinungaling na'ko. Nag sisinungaling ako sa sarili ko kasi alam ko naman yung totoo kung ano ba talaga siya sakin. Dine deny ko lang baka sakaling makatulong na malimutan ko kung anong nafifeel ko sakanya.

Mas gusto kong paniwalaan yung sinabi ni Marian na nahawa ako sa pagiging manhid niya kesa paniwalain ang sarili ko na sweet yung ginagawa namin.
Alam naman natin na mahirap mag assume. Chakit kaya pag nalaman mong ikaw lang ang naniniwala sa kilig eklavu na yan^__^

"Hoy!"
Basag ni Selene sa pag iisip ko..
How Sweet of her!! HOY??

"Yo! Yes?"
Tanong ko sakanya.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon