Rhian's POV
Tulala...
Yan maghapon ang ginawa ko.
Si Trix.. Siya ang iniisip ko maghapon.
Siya yung ex girlfriend ko na nanloko sakin.
At oo, mahal ko pa siya. Mahal na mahal na mahal.
Yung kiss na nangyari between me and kate, well hindi ko talaga alam kung paanong nangyari.
Pero sa buong moment na yon, si Trix ang laman ng isip ko. Alam kong ganon din si Kate. Hindi pa ba halata sa mga nasambit naming pangalan habang pinag sasaluhan ang nakaka lokang halik?Eto ako ngayon at nag hihintay ng text niya.
Oo may communication na ulit kami. Nandito na din siya sa Manila at aksidenteng nagkita kami.Flashback
"Alison, sure ka bang pupunta yung friend mo? Aba kanina pa tayo nag hihintay dito. Gutom na'ko"
Si Hannah. Nasa mall ako ngayon kasama ang mga officemates ko.
Sila Alison at Hannah.
Nasa mall din daw kasi ang friend ni Alison at sasama na lang samin since bago lang siya dito at wala pang kilala.
Same province din daw kami kaya na curious akong makilala siya."Hannah, kelan ka ba nabusog?
O eto nag text na siya. Nasa mall na din daw."
Alison"Hay nako! Sa wakas nakarating din ng mall. Kupad kumilos ng friend mo ha.
Hindi ko na talaga kaya. Oorder nako ng makakain natin ha. Para pag dating ng friend mo chibugan na"
Hannah"Hahah go Hannah. Rinig kong minumura ka na ng mga alaga mo :D" ako
"Hay nako! Sunduin ko na nga.
Hindi makita yung pwesto natin.
Rhi, maiwan muna kita dito ha"
Alison"Yeah sure, no prob:)"
After 15 minutes, dumating na din ang order ni Hannah. Nakita ko na din ang parating na si Alison kasama ang friend niya.
Naka yuko ito habang naglalakad, si Alison naman ay kumaway sa amin.Bumilis ang tibok ng puso ko.
Pamilyar yung taong kasama ni Ali.
Habang papalapit sila ay parang may mga kabayong nag kakarera sa dibdib ko.
Hindi ko napigil ang sarili ko at agad na tumayo kasabay ang pilit na pag aninag sa muka ng taong kasama ni Alison.Nag angat siya ng muka ng marating nila ang pwesto namin.
Nagulat kami pareho ng mag tama ang mga mata namin.
"Girls, si Trix friend ko.
Trix, sila naman si Hannah and Rhian. Friends and officemates ko"
Pakilala ni AlisonPakiramdam ko, tumigil ang ikot ng mundo ng mga oras na yon.
Hindi na din natanggal ang tingin namin sa isa't isa."Hello!!!"
Natauhan kami pareho ng marinig ang sigaw ni Hannah."Akala ko bukas pa kayo matitigil sa staring contest nyo ih. Kain muna pwede??"
Inis na sabi ni HannahNaging ok ang lahat. Kasama namin si Trix sa pag gagala. Pero hindi pa rin kami nag papansinan ni Trix.
Si Hannah ang kasama ko at si Alison naman ang kasama niya.