EVERYTHING I DO (I DO IT FOR YOU)

39 4 3
                                    

Masaya ako... masaya nga ba?? Hahah!
Ayos naman ang lahat. Nagtatrabho, kumakain, natawa, at nahinga pa😊
Aaminin ko, walang araw na hindi ko naisip yung hindi ko dapat iniisip.
Ako kaya? Naisip din kaya ako nun? Sinasabi din kaya nya sa sarili nya na
"Miss na kita, kamusta ka na ba?"
Naiisip din ba nyang lunukin yung natitirang pride nya para kamustahin ako?
Nawawala din ba sya sa sarili nya minsan?
Babalik pa ba sya?
Masakit man, pero palagay ko hindi na. hindi ako tumigil kahit kailan sa pag message sakanya. Wala lang talaga syang pakialam😭

Masaya sya kung nasaan man sya o kung ano man ang ginagawa nya.
At sa tingin ko, Kailangan ko nang tanggapin na dumaan lang talaga sya sa buhay ko para turuan ako.
Maraming salamat nalang sa mga araw na nag stay sya at pinasaya ako kahit na ilan don e di nya kagustuhan.
Napapa isip lang din ako, naging totoo ba sya sakin? Alin ba sa mga sinabi at pinaramdam nya sakin ang totoo?
Hindi naman siguro masama ang mag isip kung kahit kailan hindi nya sinabi sayo kung ano talaga ang nararamdaman nya diba?
Madami na ba akong drama? sorry na, nagtatanong lang naman e😂

"Kate!!"
Sigaw ni Jack

"Yo!"gulat na sagot ko

"Zone out kana naman!" Inis na sabi nya.

"Wag ka na sumimangot, panget na nga e"

"Leche! Kanina ka pa kasi tinatawag e. Kanina pa nag hihintay si Charm sa labas ng office,sasama ka pa ba?" Jack

"Oo, iniisip ko kasi yung tono at lyrics nung narinig kong kanta. Gustong gusto ko kasi e" palusot.com ko hehe

"Kantahin mo muka mo! Wag ako" jack

O e di sya na maraming alam😁

"What took you so long?" Charm

"Sorry na long call kasi e"

"Psh! Lier!" Inis na bulong ni Jack

"Ah okay. Makulit siguro si customer" charm

"Oo e, shopper si customer"

"Wushu okay lang yan, mahaba naman pasensya mo e, i'm sure kahit bwisit ka na malumanay pa din boses mo" joy

"Haha i don't know."

"It's true, i've heard one of your calls and two thumbs up ako sa patience mo" charm

"Ay, haha thank you"

So after ng mahabang kwentuhan, narating din namin ang restau na gustong kainan nila charm at nag hihintay na samin sila Ram at Gelai doon.

Kare-kare, pinakbet, bagnet, inihaw na isda at pusit ang mga ulam na inorder nila. Lalo ko tuloy naramdaman na gutom ako hehe.

Charm - Joy
Ako| TABLE |Jack
Ram - Gelai

Seating arrangements namin.
Nag order sila ng para sa dessert strawberry icecream, fruit salad at lecheflan.

Si Charm na ang nag lagay ng kanin sa plato ko na agad naman na sinaway ni Ram.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon