THE SCIENTIST

35 4 0
                                    

ZIM

After three months ngayon ko na lang ulit nakainuman ang pinaka abnormal kong kaibigan.
Dito sa bahay nya, sa eksaktong lugar at oras.
Masyado syang naging busy sa trabaho at mga new friends nya. Bihirang umuwi ng bahay nya. Kung saan abutin ng kalasingan at kung sino ang kasama doon na lang makiki tulog.

"Hoy abnormal! Hindi ka pa ba nagtatampo dyan sa eyebags mo?"

"Ha? Bakit?" Kate

"Tignan mo nga, mas malaki pa yang eyebags mo kesa sa mata mo. Kinakain na ng eyebags yung mata ano ba naman yan!"

"Bastos ka din talagang reptile ka e no? Nananahimik sila wag mo silang pakelaman hahaha!" Kate

Na miss ko ang asaran at barahan na 'to. Masyado kasi kaming naging abala. Siya sa mga bagong kaibigan at trabaho. Ako naman sa trabaho din.
Pero ngayon, wala na. Natanggal ako sa kumpanyang pinapasukan ko.

"Huwag mo nang isipin yon.
Madami pang iba dyan. Hanap ka na lang" kate

"Ang hirap tanggapin e. Sinurprise ako tol!"

"e ganun talaga. Life is full of surprises mah men!" Kate

"Tangina tol, last month pa nila nai file yung pag early endo sakin, tapos ngayon yung effectivity. Hindi ba nakaka tangina lang kasi hindi ako prepare. Sana man lang na inform ako para nakapag apply ako sa iba."

"well, ganun talaga. Mag jowa nga ARAY!!!!"

Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil agad ko syang pinukpok sa ulo ng pamaypay na hawak ko.
Parang tanga lang kasi e. Seryosong usapan tapos biglang babanatan ng kalokohan.

"Umayos ka! Seryoso ako"

"Hala e seryoso din ako" kate

"Talaga ba???? Bigla kang humugot e!"

"Bakit malayo ba? Hindi naman diba? Pareho lang. relasyon o trabaho walang permanente" kate

Hindi na lang ako umimik dahil walang pupuntahan ang pakikipag talo ko. Nasa mood syang mang bwisit at hindi ako mananalo this time.

"Hellooooooooo!!!" Marian

"Akala ko kung sinong impakto, impaktong bakla pala talaga😁"

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon