Zim's POV
Alas dos ng hapon ngayon at dinayo ko talaga si Kate. Pareho kaming fan ng volleyball. Solo lang siya sa bahay at alam kong mag isang sumisigaw yon ngayon. Makiki kain na din ako^__^
Tinawagan ko siya sa phone para pag buksan ako ng gate. Hindi naman ako nag hintay ng matagal dahil mabilis na pinag buksan niya ako ng gate.
Ano sino na lamang??
Habang sinasabi yan ay derecho ko ng tinungo ang salas niya at feel at home na humiga sa bakanteng couch.Hindi na bago sa amin ang ganitong scenario dahil open sa lahat ng friends niya ang bahay niya. Basta wag mo lang labagin ang nag iisang rule niya.
BAWAL MAGKALAT...Syempre team nila mika mylabs^__^
Sobrang crush nya po si Mika Reyes ng La Salle. At syempre, kaming mga kaibigan niya ang kontrabida.Psh weak naman yang team mo!
Walang sinabi sa sweet heart ko.
Si Alysa Valdez po ang crush ko at team Ateneo ako^____^Ganun ba? Sige sabi mo ih.
Umalis siya sa harap ko. Pag balik niya may dala na siyang itak! Takte tatadtarin ako!!!Bibilangan kita ng tatlo! Pag hindi ka lumayas sa bahay ko tatadtarin kita at ipapa LBC sa Ateneo!!-_-
Nyay!! Pikon talaga siya kahit kailan! Pero alam ko naman na nag jojoke lang siya.Ikaw naman di na mabiro!:)
Weak kaya yan si Valdez! Pwe ang hina!!
No choice ako sweet heart! Tatagain ako kaya for now, weak ka muna:)
Lumapad naman ang ngiti niya at itinago na ang itak..
Nag commercial na kaya tumayo ako at tinungo ang kusina niya para mag hanap ng makakain. Pero ang malas ko naman ngayon.Tol! Walang pagkain??
Padabog na tanong ko.Kapal ng muka natin ah? Nangangapit bahay na lang reklamo pa pag walang pagkaen???
Wag kang mag inarte dahil kahit ako hindi pa kumakaen.
Ano ba namang kusina to walang laman. Sarap sunugin. Wala pa namang nag titinda ng ulam sa labas ngayon kasi linggo.Siya Tol, pa kape ka na lang.
No choice. Walang pagkaen ih.Wala na din. Bili ka na lang sa tindahan.
Sabay dukot sa bulsa niya ng barya. Grabe ang daming barya!! Binilang ko at 30.00 yun.Tungunu! Papatayin mo ba ko sa kape???
Sigaw ko sa kanya.Bobo!! Sinong nagsabing ibili mo lahat ng kape yan? Walang utak!!
Tinapay yung iba. Layas na nga!-_-
Yamot na taboy niya sa akin.
Agad naman akong umalis para maabutan ko ang laro.
Sakto naman na pag balik ko ay commercial pa din.
Tinimpla niya ang kape namin at tahimik na nanuod kami.Yes!!! Wooohoooo!!!!! Panalo!
Ano ka ngayon tol!??!!!^_____^
Natapos ang laro at panalo ang team ng sweet heart ko^__________^Psh! Tyamba!!-_-
Kelan ba niya matatanggap na weak ang team niya?^_^
Pinatay niya ang tv at lumipat kami sa garden. Naka upo kami habang nagkakape pa din.
Walang mapag usapan kaya bigla ko na lang siyang tinanong ng bagay na alam kong hindi niya sasagutin ng matino.Kate, bakit single ka pa din?
Tanong ko sa kanya sabay higop ng kape ko.
Maang na naka tingin naman siya sakin.Hindi double ih-_-
Told yah!! Walang kwentang kausap to!!Bakit wala kang kwentang kausap?
Pang iinis ko sa kanyaKasi walang kwenta ka din kausap
Banat naman niya.Bakit ang tanga mo?
Alam ko maiinis na 'to^__^Binabagay ko lang sa kausap ko^__^
Naka ngiting sagot niya.
Tokwa! Ako yata ang puputok ang fuse dito ah-_-
Nanahimik na lang ako dahil makukutusan ko lang siya pag sumagot siya ng walang kwenta-_-