TRIX
Nandito ako ngayon sa bahay ni kate kung saan nakiki tuloy ang ex girlfriend ko. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko siyang paalisin dito at tumira sa bahay kasama ko pero alam kong wala akong karapatan na mag desisyon ng para sa sarili nya dahil mula ng iwan ko sya nawalan nako ng lahat ng karapatan sa kanya.
"Lalim ah! Baka malunod ka" pabirong sabi ni Rhian kasabay ang pag tapik sa balikat ko.
"Oo e. Napa lalim ng bahagya hehe" ako
"So...anong atin? Bakit naisipan mong pumunta?" Rhian
Matagal na tinitigan ko sya bago magsalita.
"Rhian, alam ko na hindi ko na mababago yung nagawa ko na pero... pwede ba tayong mag simula ulit?" seryosong sabi ko sa kanya habang pisil ang mga kamay nya. Umaasa ako na bibigyan nya ako ng chance."Trix"... rhian
"Hindi kita mamadaliin. Alam ko na nasaktan kita at nawala na din yung tiwala mo sakin pero please, please bigyan mo ko ng chance na makabawi. Chance na maitama yung mali. Chance na mahalin ka ulit" malungkot na sabi ko.
"Trix, hindi naman nawala kahit kailan yung pag mamahal ko sayo. Hindi nagbago. Pero sa ngayon takot ako. Takot ako na anytime gagawin mo ulit yung ginawa mo. Iiwan mo ako at ipag papalit sa iba. Trix hindi mo alam kung gaano kasakit at kahirap kayanin everyday na labanan yung sarili ko na isipin ka." Umiiyak na sagot ni rhian.
Parang dinudurog ang puso ko nang makita ko ang mga luha na humahalik sa pisngi nya. Hindi ko na inisip kung magagalit sya o hindi basta niyakap ko na lang siya ng sobrang higpit.
"Trix" humihikbing tawag ni Rhian
"Hmmn?" Ako
"Please wag mo na 'kong sasaktan ha. Hindi ko na kakayanin ang isa pang heartache" rhian
"i promise rhi. I won't hurt you again. Hinding hinding hindi na mangyayari pa ulit yon. " ako
"Yun lang naman ang gusto ko. Ang ipangako mo na ako lang at wala ng iba." Rhian
"promise Rhi ikaw lang wala ng iba" ako
Mahigpit na gumanti ng yakap si Rhian at binigyan ako ng isang masuyong halik sa labi.