WHAT AM I TO YOU

62 3 1
                                    

KATE

Saan naman kaya trip pumunta ng babaeng 'to?
Kanina pa kami palakad lakad at medyo pagod na ako.

"Pagod ka na ba? Pahinga muna tayo" selene

Hay mabuti naman at naisipan niyang mag pahinga. Umupo kami sa ilalim ng isang puno.

"Selene, sorry ha. Hindi ko alam na wala ka pala talagang alam. Akala ko dine-deny mo lang."

"It's okay. Nagulat lang ako. Hindi ko naisip na magagawa ni Chloe yun." Selene

"Love nga naman talaga.. Kahit ano, kayang gawin"
Sabi ko habang binubunot ang damo na inuupuan namin.

"Kate?" Selene

"Hmmn?"

"Gusto mo pa ba 'ko?" Selene

Ano daw?? Parang kulog sa pandinig ko yung sinabi niya.
Lakas ng loob niyang mag tanong.
Parang ako tuloy ang nahihiya ih.

"Anong klaseng tanong yan? Ha ha ha"
Pilit na tawa ko. Medyo naiilang kasi ako. Hindi ako sanay na ganito siya sakin.

"Hindi mo na ba 'ko mahal?
Move on ka na ba sakin? May iba na ba? Selene

Hala naman. Paano ko ba sasagutin yung mga tanong niya?
Sa 1 month na pag layo at pag iwas ko sa kanya at sa nararamdaman ko, parang nasanay na ako.

"Uhm Selene, kelangan ko ba talagang sagutin yan?"

"Bakit,, masyado bang mahirap yung tanong ko?" Selene

Naman! bakit ba ganyan siya ngayon. Tsk!

"Honestly,, hindi ko alam. Para kasing nasanay na ako na hindi mo ko binibigyan ng importansya at nasanay na din ako na tanggapin yung kaya mo lang ibigay. Nasanay ako na balewalain yung feelings ko sayo.. Pero oo, may feelings pa ako sayo. Hindi naman agad mawawala yon. Bakit mo nga pala natanong?"

"What if,, may feelings na din pala ko sayo? Anong mangyayari? Anong gagawin mo?" Selene

Owkaaay,, medyo mahirap na tanong ha.
Venus Raj, saniban mo nga ako. Kelangan ko yata ng major major na sagot sa taong 'to.

"Kung may f-feelings ka na? W-wla.. Wala akong gagawin kasi malabong mangyari yang sinasabi mo. STRAIGHT ka nga diba?
Nakaka utal sagutin yung million dollar question niya bhuset!!

"E paano kung sabihin kong meron na nga? Na hindi na ako sure kung straight pa'ko.
Na gusto na din kita. Anong mangyayari?" Selene

Papalakpak ba ako sa narinig ko? Iiyak sa tuwa? Magpapa gulong gulong??

"Tanggalin natin yung paano, lakas maka labo sa tanong mo ih. Bago ko sagutin yang tanong mo, yung tanong ko muna ang sagutin mo."

"Game" Selene

"Gusto mo na din ba 'ko?"
Syempre kelangan ko ng malinaw na sagot para malinaw din ang sagot ko sa kanya.

"Yata?" Selene
Tokwa!! Unsure pa din sa sagot niya?
Bahala ka sa buhay mo mag hanap ka din ng matinong sagot!!

"Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Hanggat hindi mo alam ang sagot sa tanong ko, hindi ko masasagot ng matino yung tanong mo. Tara na hatid na kita"
Niyaya ko na siyang umuwi.
Magulo talagang kausap 'tong taong 'to. Psh

"Kate! ^_^"
Naka ngiting bati ng kasalubong namin.

"Rome? Hahah! Kamusta ka na?"
Bati ko kay Rome. Matagal na hindi kami nagkita.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon