Chloe
Hi everyone! I'm Chloe. Selene's friend.
At oo, gusto ko siya. Matagal na. Hindi ko lang maamin dahil takot akong mawala siya sakin. Pero ngayon, wala na 'kong pakelam. Ngayon pa na andyan na si kate? Oo threat siya sa'kin. Alam ko kasing nag eenjoy sa company niya si Selene.
And i know that Selene is already falling for her. Hindi niya lang maamin sa sarili niya dahil pinaninindigan niyang straight siya.. Yan naman ang usual na mararamdaman ng mga taong straight na ma fafall sa same sex.Walang alam si Selene sa naging pag-uusap namin ni kate. Alam kong hindi din sasabihin ni Kate kay Selene ang naging pag uusap namin.
Yung pinakita kong picture kay kate? Picture yun 2years ago pa. Nag iinom ang buong barkada sa bahay ko. At syempre mawawala ba ang laro? And speaking of laro nangunguna dyan ang truth or dare.
Dare kay Selene na i kiss sa lips ang katabi niya sa left side at ako yun. Si Skye ang kumuha ng picture na yun at pinasa ko lang sakin. At yun nga ang ginamit ko para layuan ni Kate si Selene. Kahit sino sa barkada ay walang alam sa tunay na feelings ko kay Selene. Hindi ko pa kaya noon ang umamin. Masyado pa akong takot. Takot na mawala lahat. Lalo na si Selene.Kate
Nakaka inip!! Walang pasok ngayon kaya tambay lang ako dito sa kwarto ko.
Si Rhian naman ay umalis kasama ang mga officemates niya para mag liwaliw.
Buti pa yung taong yon masaya na. Mas okay naman na ganyan siya kesa araw araw niyang iyakan yung abnormal niyang ex.Ano kaya pwede kong gawin?? Alas singko ng hapon, mag isa sa bahay, walang magawa..
"Mag bigti ka kung inip ka" zim
"Hoy! Gago ka! Paano ka naka pasok dito???"
"Bobo! Hindi naman naka lock ang main door. Naka bukas din ang pintuan netong kwarto mo, ngayon paano sa tingin mo ako nakapasok?" Zim
Right! Tanga naman! Gaano na ba ko katagal naka tunganga at hindi ko man lang napansin na naka pasok na si Zim.
"Saan si Rhian?" Zim
"Gumala, kasama yung mga friends nya"
"Tara!" Zim
"Saan?"
"Sementeryo" Zim
"Ha? Bakit?"
"Ililibing kita ng buhay. Wala din akong magawa ih-,-" zim
"Bakit hindi mo muna unahing ilibing yang sarili mo? Maghukay ka at una mong ibaon yang muka mo-,-"
"Hahahah!! Pikon!! Maka layas na nga.
May date ako." Zim"Date? E bakit dito ka dumerecho?"
"Nag baka sakali kasi ako na baka gusto mong sumama. May kasama kasi si Anna." Zim
"Ayoko nga. Muka lang kaming tanga nung kasama niya. Hindi ko naman kilala yun e"
"Kaya nga ipapa kilala para makilala mo ih. Arte mo! Kung ayaw mo e di dyan ka na. Mag laslas ka ng may magawa ka" zim
Agad na nadampot ko ang remote controll at binalibat sa kanya.
"Unggoy!!! Lumayas ka na. Ayokong may panget sa bahay ko-,-"
"Aba lumabas ka din. Mahiya ka sa bahay mo hahaha!" Zim
Impaktong yun! Haaaaaay ano ba pwedeng gawin? Nakaka inis!!!
"Sweetie!!!!" Sigaw ni Rhian habang naglalakad papasok ng bahay.
"Oh? Aga mo? Akala ko mga 8:00 ka pa uuwi?"
"E wala ka kasing kasama. And i'm sure miss mo nako *wink" Rhian
"Huwaw naman! Saan ka kumukuha ng lakas ng loob? Hahaha!"
Pang aasar ko sakanya. Lakas naman kasi talaga ng hangin ng taong 'to ih."Wushu! Pwede din kiligin! Ano nga pala gusto mong ulam? Mag luluto ako" Rhian
"Adobo!! ^_^"
"Hahaha para kang bata:)"
Pang aasar ni Rhian habang naka yakap sakin.
Hindi na ako mag tataka kung lahat ng makaka kita samin ay iisiping mag girlfriend nga kami.
Sweet si Rhian at super clingy which is okay lang naman dahil ganun din ako minsan."Haha sweetie, layo ka sakin" pag tataboy ko kay Rhian
"Ayyy bakit?" Malungkot na sagot ni Rhian at nag pout pa.
" hindi pa kasi ko naliligo. Amoy pawis nako"
Agad na napalitan ng ngiti ang mahabang nguso ni Rhian sabay yakap ulit sakin
"Eii okay lang yan. Hindi ka nga amoy pawis ih. Hmmmn bango bango pa din ni sweetie"
Pangungulit ni Rhian habang nilalapit pa ang muka niya sa leeg ko.Nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya dahan dahan ko siyang tinutulak.
Gamit ang buong lakas ay nagawa kong alisin ang muka niya sa leeg ko pero pareho kaming natigilan sa posisyon namin ngayon.
Nai sandal ko siya sa pader habang naka kulong siya sa mga braso ko.
Hingal kami pareho at walang tigil sa kakatawa."Hahaha hindi ka naman talaga mabaho ih" ayaw pa din paawat si Rhian sa pangungulit niya.
"Baliw!" Yan lang ang nasabi ko sakanya.
Mahabang katahimikan at staring contest na naman.
Hindi ko alam. Pero parang may nagtutulak sakin na tawirin ang natitirang pagitan sa labi namin.Isang matamis na ngiti ang binigay ni Rhian na sinuklian ko naman ng halik sa noo. Pababa sa mga mata, sa pisnging maumbok, sa ilong.
Naka pikit siya habang hinahalikan ko ang ilong niya. Cute!! Kasunod noon ay ang halik na hindi ko naisip na gagawin ko.
Oo hindi ko na napigilan. Tinawid ko na ang pagitan na yon.Halatang nagulat din siya. Ilang sandali na magka dikit lang ang mga labi namin. Naramdaman ko na lang na sabay na naming pinag sasaluhan ang isang matamis na halik.
Sa umpisa ay parehong takot at pagka lito ang nararamdaman ko. Takot dahil hindi ko alam kung tama nga ba 'to at lito dahil hindi ko alam kung bakit ginagawa namin to.Nag balik ako sa katinuan ng marinig ko ang saglit na pag moan niya.
Doon ko lang napansin ang position namin.
Ang mga kamay niya ay naka akap sa batok ko at ang sakin naman ay makulit na nag lalandas sa likod niya. Hinahagod ang bawat madaanan.Mula sa labi ay napunta ang mga halik ko sa maputing leeg niya. Napaka bango niya.
Saglit kong pinang gigilan yon at sunod na tinungo ang likod na bahagi ng tenga niya.
Panay ungol ang maririnig sa buong kwarto pero pareho kaming natigilan ng sabay naming banggitin ang pangalan ng mga taong pareho naming tunay na mahal."Selene/Trix" ako/rhian
Natigil kami pareho at tumingin sa isa't isa.
Kagat labing naka titig lang ako sa mga mata niya. Natatakot akong magalit siya. Sino bang matutuwa kung sa pagitan ng make out session nyo e pangalan ng ibang tao ang babanggitin mo? Pero ganun din naman siya. Pangalan ng ex niya yung binanggit niya."Fvck you!!" Sigaw ni Rhian sakin.
"Rhi i'm sorry. Hindi ko sinasadya" malungkot at takot na paliwanag ko.
"Hahahahah!!! Hindi ako galit anu kaba?! Natatawa nga ako! Epic!! Kelangan names nila yung mabanggit natin?? Hahahahaha"
Sagot ni Rhian.Whew!! Kala ko galit siya. Buti na lang at na realize niyang mali kami pareho.
Panay tawa naman ngayon ang maririnig sa buong kwarto."Sweetie luto ka na medyo nagugutom ako. Liligo nako ha"
" hahahah! Masyado bang mainit o nakaka gutom yung nangyari???" Pang aasar ni Rhian
"Sira ulo!" Inis na sigaw ko sakanya.
Buti na lang talaga at natigil kami.
Alam kong walang kami ni Selene pero pakiramdam ko nag taksil ako sa kanya.====================================
Katharine McPhee
-k-