A/N: Hi! This chapter is dedicated to my new friend lyricc1234
Woohoo tara mag rakenrol sa buwan!!^___^==============================
Marian
One week after Selene's birthday...
Rainy afternoon at dito sa bahay nila Kate namin naisipang tumambay.. Movie marathon at foodtrip. I cooked buttered corn for them. Alam ko kasing kailangan ng fudams pag nanonod dahil para silang baboy sa ingay pag walang laman ang bibig. Habang nagluluto ay hindi ko mapigilang mapa hagalpak ng tawa sa naririnig kong supalpalan ng salita nila Zim at Kate. Kung kami ni Kate, tandem sa kalandian at kalokohan, sila naman ni Zim ang tandem sa kagaguhan at pambabara...
"Anong klaseng hayop si kokokrunch?"
Seryosong tanong ni Zim. Kokokrunch kasi ang inuupakan nila ngayon."Uhm,, panda?"
Matinong sagot ni Francis."Hindi! Bear yan"
Sagot din ni Elaine"Tarsier" phil
"Tarsier? Bear? Panda? Nasaan ang utak nyo? Ang bobobo niyo naman"
Seryosong banat ni Zim.
Sumilip ako para tignan sila. Nakita kong naningkit ang mga mata nang mga kaibigan namin na sumagot ng matino sa kanya.
Mula sa tamad na pagkaka higa sa couch ay nag indian sit si Kate."E di ikaw na hayop ka! Nagtanong ka pang impakto ka!-_-"
Banat ni Kate sabay turo kay Zim.
Humagalpak silang lahat ng tawa at pati ako ay hindi naka pag pigil na naki tawa na din."Ahahaha! Laughtrip kayong dalawa.."
ElaineNatapos ako sa pagluluto at isinalin sa bowl ang niluto ko. Movie nila Anne Curtis, Kristine Reyes at Derek Ramsey ang pinapa nuod nila.
"Ang hot ni Kristine!"
Sabi ni Kate na medyo kinikilig pa. Crush niya si Kristine kaya ganyan siya mag react."Oo nga ih. Nanganak na siya diba? Sino kaya napangasawa niya? Kaasar naman nagpa buntis agad siya" Francis.
"Oh! Wag kayong tumingin sa'kin. Wala akong kinalaman dyan. Hindi ako ang ama ng anak niya"
Seryosong banat ni Zim.Para talagang sira ulo 'tong mga 'to!
Paano ko nga ba natagalan na makasama sila? Hahahah!!Habang nagtatawanan ay nag ring ang phone ni Phil.
Sinagot niya ito at nag madaling lumabas."Guys! Alis muna ko ha. Text me na lang pag dito pa din kayo or uwian na"
Pagka sabi non ay nagmadali na siyang umalis.
"Parang tanga yan si Phil kahapon. Feeling pogi ang sarap niyang i prito!"
Gigil na sabi ni Zim."Bakit naman? Inano ka naman niya?"
Natatawang tanong ko."Nakita ko kasi siya kahapon sa burger stand dyan sa kanto.
Tinanong ko kung ano ginagawa niya don. Aba ang sagot ba naman sakin, E DI KUMAKAIN. BAKIT BAWAL BA?"
Gigil na kwento ni Zim"O ano naman ang masama sa sagot niya?"
Takang tanong ni Francis."Okay, given na yung kumakain talaga siya. Pero ang ibig ko kasing sabihin, anong ginagawa niya sa loob mismo ng stall." Zim
"N-nasa loob siya?? Bakit?"
Takang tanong ko."Ewan ko sa gagong yun!" Zim
"E anong sabi mo sa kanya?" Elaine