KATE
One week before ang effectivity ng resignation ko, hindi ko na kinausap si Charm.
Hindi sa iniiwasan ko siya, pero sya mismo ang ayaw makipag usap."Ano na naman ba ang problema nya? Psh! hirap naman intindihin ng taong yun. Miss ka daw pero hindi ka naman magawang pansinin."
"Sino kausap mo?" Ram
"Sarili ko. Masama?"
"May sinabi ba 'ko? Sungit mo nagtatanong lang e" Ram
"Sorry"
"Ok... so, sinong dahilan ng pagtutulis ng nguso mo?" Ram
"Si Charm"
"O bakit? Diba matagal na kayong hindi nagpapansinan nun?" Ram
"Oo. E last week kasi nagka kwentuhan kami. Miss daw nya ko tapos ngayon naman ayaw akong pansinin. Ang gulo nya"
"Naniwala ka kasi e. Dapat hinayaan mo na lang sya" Ram
"Na miss ko din kasi sya😔"
"Hayaan mo na lang tsaka andyan si Clarize oh! Diba kayo palagi ang magka sama? Ano ba kayo nun?" Ram
"Hoy Ramoncito, lakas mong maka tsismoso dyan.
Tropa kami ni Clarize wag kang mag isip ng kung anu-ano""Sabi mo e! O pa'no, baba muna ako. Hindi kaba sasama?" Ram
"Hindi na. Sasabayan ko si Clarize nag aaya kasi mag kape"
"Naks naman! Lumalablayp ka na ah" Ram
"Ewan ko sayo tagilid ang utak mo psh"
"Kate! Let's go?" Clarize
"Hahaha palapit na si Ms. Beautiful" Ram
"Clarize maganda ka daw sabi ni Ram. Pwede ka daw ba nyang ligawan?"
Bawi mode! Kala ng Ram nato ha. Lakas kasi mang inis e😝
"Uhm thanks Ram. Haha baliw. gusto mo ba sumama sa baba? Mag kakape kami" Clarize