CHAPTER 33

6 2 0
                                        

KINAGABIHAN ay sinundo na rin ako ni tatay Ramil. Sabi ni tatay ay hindi daw mapakali si Tyler kahahanap sa akin at halos mabaliw daw. Sinumpong na naman ng ka-oa-an ang pambansang oa na 'yon! Ayaw na din akong paalisin kagabi ng mga baliw sa kulungan nila at mamimiss daw ako, mga oa din! Pero mamimiss ko din sila. Halos lumuhod pa nga si Xenon para hindi ako umalis and good thing bago ako umalis ay nakapag-ayus sila ni Nathan kahit papano pero ang lamig pa din ng pakikitungo ni Xenon kay Nathan.

Nang sunduin ako ni Tatay Ramil ay hindi na ako nag-abalang pumunta kay Tyler dahil baka lalo siyang mag overact. Dumiretso na ako sa kwarto ko tapos naligo at natulog. Hindi na rin ako kumain at baka magkasalubong pa kami ni Tyler. Ang sabi ni Tatay Ramil ang ireason ko daw sa kanila bukas ay may pinuntahan lang ako kahapon na emergency pag tapos kong maghatid ng pagkain kaya hindi na ako nakapag paalam.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa ingay nang kumakatok sa kwarto ko.

"Flemara! Flemm!" Halos matanggal ang lalamunang sigaw ng hampaslupa habang kumakatok.

Grr, that voice!

I missed him, but he's irritating me!

Magkasalubong ang kilay akong bumangon at binuksan ang pinto. "What?!"

"Where did you go yesterday? Why didn't you inform me that you will leave? I'm so worried about you!" Panenermon ni Tyler. Grabe naman ang tono nito, parang may ginawa akong masama! Para siyang tatay na tinakasan ko para makipag date.

"I got an emergency!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"What emergency? Is there anything I can do to help?" He asked worriedly.

"Everything is fine now. You know what, please leave. I need to rest, Tyler." Humikab pa ako habang nagsasalita.

I'm actually thankful because he's worried and want to help but I'm not telling the truth.

If there's one thing I need his help, I want him to help me save our child. But nevermind, I can do this alone. I'm with my friends after all.

"Nahh, take a bath. May pupuntahan tayo!" Nagtata-talon siya at nagmamadali akong tinutulak papasok sa kwarto ko. Siya pa mismo ang nagsara ng pintuan.

Siraulo.

Wala na akong nagawa kundi ang maligo dahil may pupunta na naman daw kami. Saan na naman kaya? Sana wag sa bar. I'm fvcking traumatized! I don't want to drink a fvcking alcohol with a drug anymore!

Nang natapos na akong maligo at mag-ayus ay pinuntahan ko na si Tyler na naghihintay sa salas.

"Where are we going?" Walang empsyong tanong ko.

"Zara's birthday." Turan niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Babaero.

"Ok." Sinukbit ko ang shoulder bag na hawak ko at akmang lalabas na ng mansion nang tumikhim si Tyler.

"Change." Tyler said with a straight face while looking at what I'm wearing.

"Why? It's a bodyguard suit. This is what I supposed to wear everytime we will go somewhere because I'm your bodyguard." Tinaasan ko siya ng kilay habang nagsasalita.

"Change. Wear a decent dress. It's a party. Wear a dress, Flemara." Because of what Tyler said, I have no choice but to go back at my room and change.

I wore a simple below the knee black dress so that I can wear my holster to hide my gun and I hid the pocket knife in my pouch.

Naging payapa ang byahe namin. Ako ang ipinag-maneho ni Tyler dahil marunong naman daw ako at kailangan ay ako ang gumagawa noon because I'm his fvcking personal bodyguard. Yes, I know. He's an asshole.

Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe namin at nakarating na din kami sa mansion nila Zara. Sa parking lot pa lang nila ay ang dami ng mga mamahaling sasakyan, mukhang bongga ang celebration na pupuntahan namin at panigurading madaming mayayaman ang dadalo.

Pag pasok pa lang namin, isang hakbang pa lang ay napunta na agad ang atensiyon ng lahat sa amin. Dahil siguro sa suot ni Tyler, ang pogi niya sa suot niya. Bagay na bagay sa kaniya ang mga sinusuot niya lalo pa kapag kulay black.

"Arnold's son!"

"Mr. Mondreel,"

Madami ang nagsilapit sa amin kaya naging alerto ako. Mahirap na, baka may mag-tangka sa buhay niya.

"It's nice to meet you, Mr. Mondreel. I am Jake Ruezim." Pormal na pagpapakilala ng isang lalaki na mukhang ka-edad lang namin. May itsura din siya at halatang mayaman, dumagdag pa sa kapogian niya ang puti niyang balat.

"Nice to meet you, I'm Tyler Jale Mondreel." Si Tyler, habang nakikipag-kamay sa lalaki.

"You are Ms. Luxem's fiance, right? Who's that woman with you?" Para akong pinana dahil sa sinabi ng kung sino sa mga kausap ni Tyler.

Tanggap ko naman na, eh. Pero masakit pa din. Alam ko naman na may fiancee na siya at bodyguard lang ako. I know...

"She's a special someone, more special than my fiancee." Casual na sabi ni Tyler na nagpa-kunot sa noo ko. Dahil sa gulat ay mahina ko siyang binunggo gamit ang balikat ko.

Anong iniisip ng OA na ito? He's such a dummy! Ano na lang ang iisipin ng mga tao dito?

All of them started to whisper to one another, some tried to ask. Nahinto lang ang ingay nang may malakas na tumikhim mula sa likod nila - it's Zara.

"Hi, there." She smiles genuinely while walking towards us. Nahawi din ang daan at nagsi-gilid ang kaninang mga tao na lumapit sa amin.

She's wearing a sparkling red ball gown and her hair is in a messy bun. Yeah, she is beautiful.

She's beautiful and here I am, just wearing a simple below the knee black dress without a make up. Wala din akong ipit kaya naman gulo-gulo ang buhok ko.

She looks like a living princess while I looks like a fvcking stressed senior citizen!

"Happy birthday." Tipid na bati ni Tyler sa naka ngiti ng abot tenga na si Zara.

"Thankyou. Let's go, your father is waiting for you inside." Walang pasabing hinitak ni Zara si Tyler papasok. Muntikan pang matapakan ni Tyler ang gown ni Zara!

"Ouch!" Rinig kong mahinang daing ni Tyler habang nakahawak sa braso niya si Zara para hilahin siya.

Heto ako, parang aso na nakasunod lang sa kanila. Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Tyler kanina.

"She's a special someone, more special than my fiancee.".... What does he mean by that? Isn't he ashamed or scared?

Paano na lang kung hindi ipatuloy ang kasal?

His father will definitely kill him if he disobey!

Damn that guy!

He's such a dummy!

•••••••••••••••••

Zekhi_mestiza


The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now