CHAPTER 39

4 2 0
                                        

PASADO alas nuwebe na kami nakauwi at madaling araw na nang chineck ko si Tyler sa kabilang kwarto na natutulog na. Binigay niya kasi sa akin ang duplicate ng susi dahil bodyguard niya raw ako at in case of emergency daw. Hindi ko na siya nilapitan pa dahil baka magising.

Once in a blue moon lang ang pagkakataon na’to kaya hindi ko na dapat sayangin. Hindi ako pwedeng mag day-off at paniguradong ke-kuwestuyin ako ng sa headquarters lalo pa at nandon si Nikki.

Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang bag ko at ang susi ng kotse.

I will go to Imus to check Dave's family. Kinuha ko ang number ni tatay Ramil bago umalis. Minessage ko siya para ipatanong ang address ni Dave at nakapag reply naman siya agad.

Agad akong dumiretso sa parking lot at tinungo ang daan kung nasan ang kotse ni Tyler. Madilim at tahimik na sa paligid. Tanging buwan at mga ilaw lang sa parking lot ang nagbibigay liwanag sa daan.

I entered Tyler's car and started the engine. Tinapunan ko pa ng tingin ang sarili sa salamin at inipitan ang sarili bago patakbuhin ang sasakyan.

Halos limampung minuto sana ang biyahe pero dahil hindi naman traffic ay naging labinlima dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko.

Inihinto ko ang kotse sa gilid ng isang masikip na kanto. Mukhang motorsiklo lang ang kasiya rito at kapag binaybay ko ay matatagpuan sa loob ang bahay kung nasaan ang pamilya ni Dave.

I sighed before getting out of the car. I locked it and started to walk down the narrow hallway in front of me.

Pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad. Garbage is scattered around and it gives off an unpleasant smell that I think if you smell it constantly it will cause illness.

Tanging ang liwanag lang ng buwan ang siyang nagbibigay ilaw sa tinatahak kong daan at ang tanging naririnig ko lang sa paligid ay ang mga kuliglig at mga tunog sa loob ng bahay na sa tingin ko ay electric fan.

Ang mga bahay ay halos gawa lang sa kahoy, at ang iba pa ay gawa lang sa mga pinagtagpi-tagping tela. Halos sira-sira pa ang iba na animoy daanan lang ng isang mahinang bagyo o kahit pa habagat lang ay wala ng matitirang nakatayo.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid at mga bahay ay wala akong ibang maramdaman kundi awa.

Hindi na ako nagtataka kung bakit halos lahat na nakatira sa ganitong lugar ay laging may sakit.

Guilt and sadness started to flow inside of me. Nakakaya kong matulog sa magarang mansion habang ang iba ay nakatira sa ganitong klaseng lugar...

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natagpuan ko na ang tirahan nina Dave.

Gawa sa kahoy ang kalahati nito at gawa naman sa mga pinagdikit-dikit na sira-sirang tela ang kalahati. Halos gumuho na rin ang tirahan.

Hindi pa patay ang ilaw ng bahay at may naaaninag akong anino ng taong hindi gumagalaw mula sa bintanang walang salamin—kurtina lang ang nagsisilbing takip nito. Kayang-kaya itong pasukin ng kahit sino kung hindi lang nakaharang ang naaaninag ko na kung ano mula sa loob.

Agad akong kumatok sa pintuan nang may marinig akong humikab. Gising pa siya.

Sobra na lang ang gulat ko nang biglang nag-tago sa ilalim ng lamesa ang tao na nasa loob.

"What the fvck?" My eyebrows farrowed.

Nilapitan ko ang pintuan at paulit-ulit na kumatok. "Hey, open the door! I just want to talk to you!" I begged.

"Hey! Please, open this!" I keep on trying to knock, and beg for the person to open the door, but the person inside is so persistent.

If I want to, I can easily break this door, but I still respect her/him. The person inside definitely has his/her reason. And I want to know that reason.

The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now