CHAPTER 31

6 2 0
                                        

"PFFT, I'm just kidding."

"Mukha mo kidding!" Pagtataray ko kay Deian pero hindi siya nagpatinag, tumatawa pa din.

As I'm looking at his face, I realized that Deian is so handsome. He's so flawless! Like-he looks like an angel! His thin almond and black eyes, thin lips and brown hair are slaying! Pati ang ugali, napaka greenflag! Hindi mo talaga malalait. Perfect na sana, wala nga lang kanang kamay.

Hyst. Perfect na sana, eh! I'm so thankful because he helped me that time. And I feel sorry for him because dahil sa akin ay wala siyang kanang kamay.

Nginitian ko ang tumatawa na si Deian tskaa ginulo ang buhok niya. "Thankyou, flawless asshole." I whispered with a smile.

"Hmm?" Takang sambit ni Deian, hindi niya ata narinig ang sinabi ko. Umiling na lang ako, nagtatanong pa siya at namimilit kaya naman nagbukas na lang ako ng bagong topic para hindi na siya magtanong.

"Can I ask, you guys?" Agaw ko sa atensiyon ng lahat.

"You're already asking," Pambabara ni Shintaru kaya isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.

"Shut up, dummy."

"What is it, Fle-Victoria?" Ani Nathan. Pfft, at naguluhan pa siya kung ano ang itatawag sa akin.

"Can you guys please tell my why Mr. Mondreel locked you here? Bakit kayo kinulong ni Mr. Mondreel, ano bang ginawa ninyo o ng mga magulang ninyo sa kaniya?" Tanong ko habang tinitignan ang lahat.

"Umutang ako sa kaniya para sa pagpapagamot kay mama ko na may cancer. Hindi ko napagamot si mama dahil nanakawan ako habang pauwi noon. Yung kapatid ko naman ay babae. Nakikipag deal si Mondreel non na ibigay ko sa kaniya si Dalia bilang bayad sa utang ko. Syempre, hindi ako pumayag! Kapatid ko 'yon, pare! Prinsesa ko kaya iyon, tapos ipapambayad utang ko lang kay Mondreel? Kahit magkapatayan pa, hinding-hindi ko ipagkakalulo ang kapatid ko, noh! Isa na nga lang, eh. Kaya iyon, ang sabi ko, ako na lang ang kuhanin kesa ang kapatid ko. Una pinagbebenta ako ng mga ipinagbabawal na gamot at mga baril, ganon. Pero hindi ako pumayag. Hindi ako pumayag kaya heto ako ngayon, nakakulong, hehe." Kamot batok na kwento ni Dave. Tumango-tango ako sa kwento niya. Grabe din pala ang pinagdaanan niya. Kamusta na kaya ang pamilya niya?

"May balita ka ba tungkol sa pamilya mo?" Tanong ko kay Dave. Ngumiti siya ng mapait bago tignan ang mga mata ko.

"Wala. Gusto ko nga sanang ipakiusap kay tatay Ramil, pero mapapahamak lang siya ng dahil sakin." Bakas sa boses ni Dave ang pangungulila. Kasabay ng mga kataga niyang iyon ang pagpasok ng isang ideya sa utak ko!

"Anong pangalan ng mama at kapatid mo? Buo. With surname." Seryosong tanong ko. Nagtanong pa siya kung bakit pero puro basta ang sagot ko. Namimilit pa siya pero kalaunan ay sinabi niya na din.

"Dalia Xeana Creox 'yong kapatid, tapos si mama naman ay Andrea Creox."

"Eh saan kayo nakatira? Saan sila nakatira?" Sunod na tanong ko nang sumagot na si Dave.

"Imus cavite." Tipid na sagot ni Dave.

"Layo." Komento ng mga baliw.

"Pupuntahan ko sila. Ako na lang ang bahala na magbalita sayo. Tapos kapag labas mo dito, pupuntahan natin sila." Ngiting turan ko na ikinaliwanag ng mukha ni Dave. Ang kaninang lugmok niyang mukha ay napalitan ng saya.

The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now