ILANG araw na ang lumipas nang pumunta kami ni Tyler sa bar. Binili niya din ang paborito kong libro kaya kahit papaano ay masaya akong umuwi noon.
Habang tumatagal ako dito ay mas nahihirapan ako na pigilan ang nararamdaman ko para kay Tyler. Sobrang hirap, imbis na mapigilan ay mas nahuhulog ako sa kaniya sa tuwing magkasama kami. Sobrang buti din ng pakikitungo niya sa akin tuwing magkasama kami kahit pa minsan ay siraulo at puro katangahan lang siya.
Sigurado akong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niya na ganito kabuti ang tatay niya... I'm wondering if what is my son doing right now. Is he fine? I badly want to see him...but I can't.
"Hija, ikaw na muna ang magdala ng pagkain sa mga kinulong ni Arnold. Dadating mamaya ang bagong kasambahay, ipakikilala kita sa kaniya, anak." Magiliw na utos ni nanay Mela kaya naman tumayo ako mula sa dining at nilapitan siya para kuhanin ang mga pagkaing dadalhin kila Travis.
"Ako na po ang bahala, nanay." Ngiting ani ko.
Nginitian ako ni nanay Mela bago siya mag paalam dahil iche-check niya daw ang mga gawain ng ibang kasambahay kung tapos na ba. Agad akong pumasok sa kitchen para dagdagan ang pagkain na dadalahin sa mga baliw kong kaibigan. Kumuha din ako ng mga pagkain sa ref at chitchirya para may stock sila.
"Kuya, magdadala lang po ako ng pagkain. Utos ho ni nanay Mela." Ngiting sabi ko kay manong guard na ngayon ay nakatitig sa mga dala kong pagkain.
"Mukhang madami na ngayon ang pinapadala nila," Umiiling-iling na sambit ni manong guard.
"P-po? Ay, hindi po. Kakainin ko po itong iba habang naghihintay sa kanila. Hobby ko po kasi ang kumain, hehe." Ngiwing pagpapalusot ko na naging dahilan ng pag-ngiti ng kaninang seryosong mukha ni manong guard.
Grabe, muntikan pa ako na mahuli! Kailangan kong dagdagan ang pagiingat ko.
Nang papasukin ako ni manong Guard ay agad kong tinungo ang kwarto kung saan nakakulong sila Travis. Kinuha ko ang susi na nakasabit sa gilid nito at nag-simulang buksan at tanggalin ang mga kadena.
"Damn! I want to get out of here!"
"Pa-ingles Ingles ka 'pa, panget ka naman!"
"Payag ka non, Shintaru? Panget ka daw?"
"I don't understand you so stop it."
"Suntukan! Suntukan! Suntukan!"
Hyst, ang iingay pa din talaga nila. Si Shintaru nanaman ang pinagti-tripan at si Xenon nanaman ang nangunguna.
"Plema!"
"Princess!"
"Flemara!"
Agad nagliwanag ang mga mukha nila nang mabuksan ko ang pinto na isinarado ko din agad para hindi kami makita ni manong guard o ng ibang guard na papasok dito.
Agad nagsi-lapit sa akin ang mga baliw at walang sabi-sabing kinuha ni Dave ang mga dala ko kaya agad lumapit sa kaniya sila Lesther.
"Ang dami!" Parang may tala na kumikinang sa mga mata nila dahil sa dami ng pagkain.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid at ng hindi ko makita sila Travis at Deian ay tinawag ko si Xenon na nakikiagaw ngayon sa pagkain. "Xenon,"
"Hm?" Nagtatakang lumapit sa akin si Xenon na ngayon ay may subo-subong drumstick.
"Magaling na ba si Travis? Nasan sila ni Deian? Kamusta si Travis? May nangyari ba dito nong wala ako?" Sunod-sunod na tanong ko na ikina-ngiwi ni Xenon.
YOU ARE READING
The Last Light of Firefly
Mystery / ThrillerSimula bata pa lang si Victoria ay kinuha na siya ng sindikato. Dito na siya lumaki kung kaya't kailangan niyang sundin ang bawat ipinag-uutos sa kaniya ng mga ito...maging pag-patay pa 'yan ay kailangan niyang sundin. Paano kung pag-kuha na mismo s...
