CHAPTER 25

11 3 0
                                        

Ng matapos silang kumain at matapos kong sabihin ang plano ko ay iniwanan ko na sila. Dinala ko ang mga maruming kasangkapan at ang kabaliwan nila—syempre joke lang. Palagi nilang kasama ang kabaliwan nila!

Akmang hindi ko na papansinin si manong guard nang mag salita siya. "Kamusta sila?"

"Ayus naman po. Ganon pa din, mga gutom na gutom." Bumuntong hininga ako tsaka ngumiti ng mapait. Naaawa ako sa mga kaibigan ko... Kailangan ko na Silang maitakas as soon as possible! Tama na ang ilan taon nilang pagkaka kulong.

"Naaawa talaga ako sa mga batang iyan. Hindi ko lang masabi at baka sisantehin ako. Unang taon ko pa lang nandito na sila!" Ani manong guard habang umiiling-iling. Bakas nga sa mukha niya ang awa.

"O-oo nga po. Nakakaawa po sila. Bakit po ba sila kinulong?" Nagtatakang tanong ko. Ibinaba ko sa table ng guard ang mga kasangkapan tsaka umupo sa isang mono block.

"Hay nako. Eleven years na akong nagta trabaho dito. Noong unang taon pa lang ako, dinala na sila dito. Tatlo pa lang sila ’nong una. Sila Travis, Deian at Xenon ang unang kinulong diyan. Dalawang taon ang nakalipas bago sila madagdagan. Simula ng madagdagan sila, nagsunod-sunod na ’yon. May mga papasok, may mga lalabas. Bawat personal guard ni Tyler ay ipapasok ni boss d'yan bago i-hire. Ikaw pa lang ang nakakalabas. Matapos ang ten years, ngayon lang may nakalabas ng buhay mula sa kanila." Lintana ni kuya guard.

Teka, eleven years? Nakalimutan ko ’ata ang pangalan niya. Ilang taon na din kaya ang nakalipas! Nakalimutan niya din naman ako. Grabe, sobrang ulyanin naman ng mga tao dito. Pero mabait naman si manong guard, maging si nanay Mela ay mabait.

"Paano po nakakalabas ang iba? Sila Travis po, bakit nandito pa din sila hanggang ngayon?" Kunwaring naguguluhang tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

"Pinapatay nila ang mga naga-apply kaya sila nakakalabas. Sila Travis naman, kahit kelan at hindi sinunod ng bata na ’yon ang si boss kaya hindi nakakalabas. Sila Xenon at Deian, nagkekwento sila sa akin ’nong ako pa ang nagdadala ng pagkain sa kanila. Sinubukan nila Xenon at Deian na pumatay pero hindi nila kinaya. Ayaw din nila na iwanan sa loob si Travis. Sinubukan din ni Hager na isama silang tatlo palabas. Sinabi ni Hager na tinulungan sila nila Travis na patayin ’yong applying tapos nagalit si Travis. Kahit kailan daw ay hindi niya susundin ang kademonyohan ni Mr. Mondreel." Mahabang kwento niya na ikina-kirot ng puso ko.

I betrayed them...

Matagal na pala talagang nakakulong ang tatlo. I'm wondering if what are their families doing? Hinanap kaya sila? Nasaan kaya ang mga pamilya nila? Damn... I should ask them sa ibang araw.

"Eh bakit po ba sila kinukulong?" Kunot noo at may bahid ng kalungkutan na tanong ko.

"Hindi nila sinusunod si Mr. Mondreel. Ang iba diyan ay pinambayad ng utang ng pamilya. Ang iba, sila mismo ang nangutang tapos walang pambayad. Ang iba anak ng mga kilalang tao sa mundo na gustong pabagsakin ni Mr. Mondreel. Tapos ’yong iba ay mga tumanggi sa offer ni Mr. Mondreel." Napa-tango-tango ako sa sagot ni kuya guard. Alin kaya diyan ang rason kung bakit nakulong sila Deian?

I should ask them why...

"Kuya, random po pero, ano pong pangalan niyo?" Kamot batok at naka-ngiwing tanong ko na ikinangiti ni kuyang guard. Baka kung ano pa ang masabi ni manong guard na gusto kong kila Travis mismo manggaling.

"Ramil, anak." Ngiting sagot niya na ikinangiti ko. Mukhang magkakaroon ako ng tatay dito, ah!

"Flemara po ang pangalan ko!" Energetic na pagpapakilala ko sa sarili.

The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now