CHAPTER 30

5 2 0
                                        

"SIGURADO ka ba na iyon lang ang ginagawa mo dito, Ramil?!" Galit na galit na sigaw noong lalaki na humahanap kila Deian kanina.

Akmang sisilip ako para makita kung sino ang lalaki nang mauntog ako-"Ouch!" Muntik na akong sumigaw! Mabuti na lang at immune na ako sa sakit.

Pero ang sakit pa din, ah! Mas masakit talaga kapag unexpected.

"Nako! Sinabi ko naman sa 'yo, Ramil! Kahit kailan ay wag na wag mong pagtataksilan si Mr. Mondreel!" Bulyaw na pangaral ng lalaki sa tatay ko.

"Tignan mo na lang 'yang mga bata na 'yan! Ito ang napala nila dahil sa mga magulang nila at dahil sa mga kalokohang ginawa nila kay Mr. Mondreel! Lalo na 'yan! Si Travis! Walang kwentang anak! Anak na nga sa labas, palagi pang binibigyan ng kahihiyan ang ama-"

"Shut up, you have no right to insult me in front of my fvcking face!" Kalmado ngunit maotoridad na ani Travis.

Naiinis siya, ramdam ko ang inis niya sa bawat pagbigkas niya ng salita.

"I am telling the truth, Mr. Travis." May diing sambit ng lalaki.

"One more word and I'll kill you, Ramirez." Malamig na ani Travis. Grabe ang lamig at lalim ng boses niya, pati ang mga balahibo ko ay tumayo!

"M-manahimik ka, walang kwenta! Ramil, aalis na ako at ayus-ayusin mo ’yang mga ginagawa mo, ha? Mag-isip ka, Ramil!" Padabog na lumabas si Mr. Ramirez daw. Kitang-kita sa mukha niya ang inis at takot.

Nang makalabas na ng tuluyan si Mr. Ramirez sa kwarto, may binulong si tatay Ramil kina Deian at sinundan niya sa labas si Mr. Ramirez. Si Xenon naman ay dumungaw sa pinto ng kwarto para tignan ang nangyayari sa labas.

Lalabas na ba ’ko?

Wait, paano pag nandyan pa sila sa labas ng kwarto? Sige na nga, wag muna!

Argh, ang init init dito sa ilalim, ah!

"Plema, Plema! Labas na. Wala na sila." May kalakasang ani Xenon tsaka isinarado ang pintuan ng kwarto. Malakas ang pagkakasabi niya pero hindi naman siguro ’yon rinig sa labas.

Dali-dali akong umalis sa ilalim ng higaan at tumapat sa sira-sira at hindi umiikot na electric fan nila. Nagta-talon pa ako dahil sa sobrang init.

"Pfft," Rinig kong bungisngis nila maliban kay Travis at Casper. Nang tinignan ko sila ay nagbato-batopik ang kaninang mga naghahagikgikan. Si Deian lang ang humagikgik na hindi nakisali sa rock-paper-scissors nila.

"Oh, gago. Talo ka!" Sigaw ni Dave kay Shintaru tsaka ito binatukan.

"Hey, I don't understand you! Fvck, you're the one who lose! Why did you hit me?! Dumbass!" Balik naman na sigaw ni Shintaro tsaka binatukan pabalik si Dave.

"Hindi naman kayo nagka- kaintindihan, naga-away pa kayo. Mga bobo." Ngiwing sambit ni Lesther.

"Panalo ako! Tignan niyo, oh! Ulan ako, kayo gunting, papel at bato!" Pakiki-gulo naman ni Xenon tsaka pinagba-batukan sila Dave na ikinangiti ko.

Mga siraulo.

I'm lucky because I have them. I feel like I am the luckiest person alive. Kahit mga baliw sila, napapasaya nila ako. Nakangiti sila at masayang magkakasama habang nandito sa loob ng mansion ni Mr. Mondreel at nakakulong.

"Anata, sagi-shi!(You, a cheater!)" Sigaw ni Shintaru at dinuro si Xenon. Nanlalaki pa ang mata niya na ikinatawa ko ng malakas. Muka siyang naghahamon ng away sa kanto! Ano kaya ang sinabi niya? Nag chungchang nanaman, eh!

The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now