CHAPTER 28

21 3 0
                                        

PUMASOK kaming lahat sa kwarto, kasama din namin si Tatay Ramil. Ipapaliwanag at ikekwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin simula nang kuhanin ako ng mga sindikato!

"And 'yon nga, tanging ang necklace at suot kong ternong damit ang kasama ko noong gumising ako sa kwarto sa headquarters ng mga sindikato." Pagtutuloy ko sa kwento. Lahat sila ay naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Deian, zenzen imi ga wakaranai ndakedo. (Deian, I don't understand what that means at all.)" Rinig kong bulong ni Shintaru kay Deian.

Ha? Alien words nanaman ang gamit nila. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan, eh!

"Atode setsumei shimasu. Ima wa tada kikimashou. (I'll explain later. For now, just listen.)" Kalmadong ani Deian at nag-pout naman si Shintaru.

Ano daw? K-kiki ni Mashou? Sino si Masihou nang masumbong ko sila? Teka... Ang utak ko!

"S-sindikato pala... Sindikato pala ang nanguha sa'yo, anak ko..." Halos paiyak na sambit ni tatay Ramil at tanging isang mapait na ngiti lang ang naibigay ko.

"O-opo. Mahirap po. Mahirap na mapabilang sa kanila. Para akong puppet na walang sariling desisyon o sariling buhay. I feel like a puppet, obligated to follow their every order... Kapag inutos nila na pumatay ako, wala akong magagawa but to obey them... They act as if they are the center of my life... At eto ako... Gumagawa nanaman ng bagong mission... Sinusunod nanaman ang bago nilang utos na alam kong ano mang oras ay mas hihirap, kagaya ng dati..." Mahabang kwento ko. May mga luha na nabubuo sa aking mga mata at sumasakit na din ang lalamunan ko-nagpipigil ng iyak. Sino ba naman ang hindi naiiyak dahil sa mga pinagdadaanan ko?!

"A-anak... Sorry... Hindi ka namin n-nahanap..." Garalgal na turan ni tatay Ramil habang pinipisil-pisil ang kamay ko na hawak niya ngayon. "A-ayus lang, tay! Everything happens for a reason..."

Sila Xenon, Travis, Casper at iba pa naming mga kasama ay tahimik lang na nakikinig sa kwento ko. Si Shintaru naman ay nangungulit kay Deian.

Yes. Everything happens for a reason. Kung hindi nangyari ang lahat ng ito, wala akong kaibigan na gaya nila.

I am so lucky to have these guys...

"A-anak... Anong mission ang ginagawa mo ngayon, anak?" Tanong ni Tatay Ramil habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Puno ng awa, poot, at lungkot ang mga mata niya.

"Information about the Mondreel empire, tay. Kailangan kong kumalap ng information about sa kanila... A-at...
H-hindi ko alam... Hindi ko alam kung... Kung may ipapa-patay nanaman sila... H-hindi ko alam, tatay. A-ayaw ko... Ayaw kong mawalan ng tatay ang anak ko kahit pa hindi niya kilala 'yong tatay niya... A-ayaw ko po, tay!" Sa bawat pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay kumikirot ang puso ko. Ang lalamunan ko din ay halos bumigay na. Nahihirapan akong magsalita dahil sa pagpipigil ko ng pag-iyak.

"Anak mo?"

"ANAK MO?"

"Ana??"

"Princess?!"

"Your what?"

"You have a child?!"

"WATDAPRIK?"

Kaniya-kaniya ang naging reaksyon at komento ng mga baliw kong kaibigan. Naibuga pa ni Xenon ang iniinom niya kanina bago sumigaw ng Watdaprik.

The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now