CHAPTER 5: Oh NO!!!

580 26 2
                                        

CHAPTER 5: Oh NO!!!

MY PIGGY PRINCE by supladongtorpe09

Sa pagpapatuloy...

MYKO GABRIELLE, makinig kang mabuti...

Ang isang araw sa kahariang ito ay katumbas ng isang buwan sa inyong mundo. Kaya wag kang mag-alala, marami kang oras para magawa ang lahat ng iyon.. 



Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumindat siya sa akin. Doon ay  nakahinga na ako nang maluwag dahil iisa lang ang ibig sabihin nun... 

Tutulungan niya akong magawa ang 9 Magical Ways... Siguro nga, mahal talaga ako ni Francesca. Siya pala ang tumutol na iapapatay ako kaya isusumpa na lang akong maging baboy... TSK TSK...

Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat??

Salamat anak,..Ikaw.. Pasalamat ka rin at mahal na mahal ka ng anak ko... KUng hindi, matagal ka nang wala sa mundo...


at Tandaan mo...

Hindi mo ito maaaring takasan dahil lalo ka lang nitong hahabulin...

Wala kang dapat na pagsabihan dahil lalo lang lalala ang sumpa...

ANG ISANG ARAW MO AY MAGSISIMULA...

9 na oras mula ngayon...

Pagkatapos nun., para akong nablackout. Nawalan ako ng malay na  parang pakiramdam ko'y nahuhulog ako sa isang banging walang katiyakan kung kailan ang pagbabagsakan.Umiikot lang ako.



Umiikot ang mundo ko.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan ko  kahit lumulutang ako..

Hanggang sa...

MY PIGGY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon