CHAPTER 50: THE RAIN

257 13 4
                                    

CHAPTER 50: THE RAIN

MY PIGGY PRINCE by supladongtorpe09

SHIIT!!! Nadadala ako!!! Hhuhhuuu… Umiiyak na naman ang baboy na si ako!!

Bakit ba kasi kailangan nilang mag-iyakan sa lugar na maririnig at makikita ko?

Kung sa bagay, wala naman silang paki sa’kin kasi nga baboy ako…

TSK!!!

Pero sa kung nakakaiyak talaga eh!!

Ano kaya ang decision nung babae?

Mamahalin kaya nya yung Efren kapalit ng pagtulong nito sa pagpapagamot niya?

O mas pipiliing mahalin si Enzo dahil iyon naman talaga    ang ikasasaya niya??

Pero a deal is a deal di ba?

Shit naman!

Parang ang hirap ng sitwasyon niya. Mas mahirap sa sitwasyon ko kasi yung sa kanya, pag-ibig at buhay ang nakataya…

Parang ang sakit eh!!

Lalo na dun kay Enzo kasi sasaktan siya ng babaeng mahal siya.

LOVE IS REALLY COMPLICATED!!!

Bakit nga ba ganun?

(A/N: I’ll take this opportunity po.. Pls read my poem po, medyo may pagka short story ang genre nya pero patula… “LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART” po ang title nun… Story ng magbestfriends na sina Enzo, Efren at Kathrine. Masasagot po ninyo ang mga tanong  kung ano ang mangyayari sa kanila… ehhehh enx po!!!)

Nang titigan ko sila, sila pala yung akala kong magsyota kanina na nagpapakain sa mga isda at kumakain ng mga tinutusuk-tusok na unfamiliar food.

Hayyy.. kakaiyak talaga ang story nila.

Pero naman!!!

Mas nakakaiyak ang kalagayan ko!!

Mag-aalasdos na nag hapon wala pa rin sila!

Mamamatay na talaga ako sa gutom!!

Puro sugat at pasa na nga ako nang dahil sa nangyari kahapon eh..

REMEMBER:

Itinapon lang naman ako ni Francesca sa toilet bowl at  ito naming si LSS ko ay walang awang itinapon ako sa cactus at rose…

Di ba ang sweet nila?

Kaya mahal na mahal ko sila eh…

Tapos ngayon pababayaan nila ako?

How dare them to do this to me?!!

Then after a few minutes,  biglang kumulimlim…

Lumakas ang hangin at nahulog ang mga dahon mula sa puno..

Napakalamig na ng paligid.

Kani-kanina lang sobrang init tapos ngayon uulan na!!

Tsk..

Then napakinggan ko na lang ang sigawan ng tao at nagtakbuhan sila na parang hinahabol ng mga  nangrirape na kabayo…

at..

naramdaman ko na lang ang maya’t mayang pagpatak ng tubig sa katawan ko.

Wala naman si Francesca dito ah… hindi naman niya laway  ang mga pumapatak na tubig ah..

Hanggang sa tuluyan na ngang dumilim. Naging  madalas na rin ang pagkidlat at pagkulog.

Puchi men!!! Kamalas-malasan naman oh!!!

MY PIGGY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon