CHAPTER 1.2: Letting Go... AGAIN???
After that incident, naging madalas na ang pagbisita niya sa akin...
Siya si LSS/Lorrein Steffani Smith...
Bestfriend ng Daddy ko ang Daddy nya. Sobrang succesful ng company namin nang dahil na rin sa tulong ng Daddy nya.
Naghohome-schooling kami parehas pero sa amin muna tumitira si LSS kasi raw, wala na ang Mommy nya. Namatay daw sa panganganak sa kanya.
Bigla akong nalungkot nang malaman ko iyon...
Kasi, pareho na kaming walang Mommy. Siya dahil patay na ang Mommy nya, at ako ay dahil sa iniwan ako. Pero ang pinagkaiba lang, hindi na niya makikita ang Mommy niya at ako, may pag-asa pa rin na magkikita kaming ulit...
Simula nang dumating siya sa buhay ko., parang nag-iba na ulit ang pananaw ko sa buhay. Binago niya ang aking mundo. Noon, galit na galit ako sa mga babae dahil nang-iiwan sila. Pero nang dumating siya, nawala na ang galit ko sa kanila...
Lagi na lang akong nakangiti kasi pinapasaya niya ako lagi.
Sobrang pasaway kami kung kaya't palagi kaming napapagalitan. at yung plano kong babawian ko siya nang dahil sa nangyari last week, hindi ko na siguro gagawin iyon,.. kasi napagtanto kong hindi siya yung tipo ng babae na dapat saktan..
Pero, kapag inaabot talaga kami ng pagkasutil, umiiyak na ang masungit naming teacher kasi hindi raw kami nakikinig.
Pero ayos lang... kasama ko naman siya eh/.
Mayroon pala kaming pet. Isa siyang aso. Dora ang ipinangalan namin kasi sobrang paborito naming dalawa yun.. hahahhah...
Pero... unexpectedly, nahit and run siya at iyon ang naging cause ng kaniyang death. Bigla kasing lumabas ng mansion namin at nang habulin naming dalawa, wala na siya...
Sobra kaming nalungkot nun. Iyak kami nang iyak! Pero sabi ko sa kaniya...
okay lang un kasi nasa heaven na siya... Kasi ang naaalala ko, sabi ni Mommy sa akin noon, na sa langit daw ay walang sakit at lungkot ... kaya wag ka nang umiyak...
Talaga?? eh di makikita rin ni Mommy dun si Dora, eh di ibig sabihin aalagaan din niya si Dora?
Oo, ganun na nga yun.. kaya.. ikaw, wag ka nang malungkot ha... Sige, ito ang pangako ko sa'yo. Hindi kita iiwan.. at hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo.
Talaga? Promise yan ha!!! Walang iwanan kahit kailan!!!
oo... kaya ikaw, smile ka na diya... heheehh...
Si LSS ang tipo ng babae na weak outside pero strong inside... Napakalakas ng personality niya kaya nahahawa ako. Parang may something sa kaniya na lagi kong ikinabibilib sa kaniya...
Kahit malungkot siya, nakangiti pa rin siya... Kaya pag kasama ko siya, nalilimutan ko ang mga problema ko at hinihiling ko na sana, hinsi siya tuald ng MOmmy ko na mang-iiwan...
Parang hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko dahil parang hindi ko kakayanin. Ayaw ko nang maiwan!!!
Pero sa halip...
AKO PA PALA ANG MANG-IIWAN SA KANIYA!!!
My Dad decided na sa Korea na kami tumira para sa negosyo. Kaya no choice, sumunod na lang ako sa kagustuhan niya.
Akala ko ba, walang iwanan!!?? Di ba sabi mo yun?! Eh bakit ngayon aalis ka??
Habang nakikita ko siyang umiiyak sa harap ko, parang hindi siya yung LSS na nakilala ko. Parang sobrang weak niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung lungkot.
Wala na akong choice eh. Pero pangako, babalik ako... Babalikan kita Lorrein... Babalik ako para sa'yo. Magkikita rin naman tayo eh... Eto, bigay ko sayo, isang puppy, Dora ang ipangalan mo para hindi ka na malungkot dahil sa kanya.. At ako, pangako ko talaga na babalik ako!!! Ingatan mo siya ha??
Pe.. Pero.. ikaw ang kailangan ko, di ba sabi mo hinding-hindi ka mawawala sa tabi ko? Di ba sabi mo, hindi tayo magkakalayo. Di ba sabi mo yun?
Wala nga akong magagawa... kailangan kong umalis kasi yun ang gusto ni Daddy...
Ganyan ka naman eh... pare-pareho lang naman kayo.. nang-iiwan!!!
I'm sorry Lorrein..
:'(
Yun na ang last time na nakausap ko siya. Masakit para sa akin ang malayo sa kaniya lalo na't siya ang dahilan kung bakit ako muling nakangiti. Pero wala na akong nagawa kasi para raw sa mas malinaw na kinabukasan ko iyon...
Bakit ba kasi napaka-unfair ng buhay?!! Lahat na lang ng mga taong mga mahal mo, mawawala o malalayo sa iyo. Napakahirap nang magmahal at magtiwala!!!
Dapat pala talaga hindi ko sanayin ang sarili ko na sobrang mapalapit sa ibang tao dahil alam kong balang-araw, mawawala rin sila sa piling ko!
Takot na akong magtiwala!
Parang ayaw ko nang magmahal pa!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/4482850-288-k916996.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PIGGY PRINCE
Fantasimyko gabriel dela polavieja... ultimate playboy, heartbreaker, a cassanova prince... nasa kanya na ang lahat, pero nang dahil doon ay marami siyang nasaktan... pinaluha at pinaglaruan... isinumpa siyang maging biik dahil nagkamali siyang saktan ang...