Agad na pinuntahan ni Myko ang kwarto ni LSS. Bahagya lang itong nakasara kung kaya’t madali siyang nakapasok. Nadatnan niya itong nagpapagulung-gulong sa kama habang humahalakhak. Hindi niya alam kung paano siya magrireact. Unang beses kasi niyang nakita si LSS sa ganoong sitwasyon at hindi niya alam ang ibig sabihin ng ikinikilos nito. Labis siyang nag-alala dito kung kaya’t natataranta niyang tinawag si Francesca.
“Francesca, tulong! Si LSS sinasaniban! Francesca!’ Malakas niyang sigaw ngunit patuloy pa rin si LSS sa ginagawa niya. Mabilis namang dumating si Francesca na noo’y gulat na gulat sa pagsigaw ni Myko.
“Huh? Ano? Sinasaniban? Sino?”, nagtataka niyang tanong.
“Si LSS. Nadatnan ko siya na nagpapagulung-gulong sa kama at tumatawa nang malakas. Shemay! Francesca, tulungan mo siya. Ilayo mo siya sa masamang espiritu na bumabalot sa kaniya. Hindi pwede ‘to. Hindi pwedeng mabaliw si LSS.”, nag-aalala niyang wika. Mababakas mo ang lungkot sa boses niya.
“Hahaha!”, malakas na halakhak ni Francesca. Akala ko naman kung ano na eh. Wag kang mag-alala Myko, hindi nababaliw si LSS. Special talent nya yan. Ganyan talaga siya kapag kinikilig at naiinlove. Ikaw ha, grabe ka kung mag-alala. Akala ko kung ano na talaga ang nangyari.
“Potchi naman oh! Langya! Ganun ba talaga ‘yang si LSS. Sus! Kung sa harap ng iba siya magkaganyan malamang at magsisitakbuhan na sila palayo.”, saad niya nang may halong inis.
“Sus! Masanay ka na. Kailangan mong tanggapin ang ganyang side ni LSS dahil amo mo siya.”, wika niya at sumalampak na rin sa kama at ginaya ang ginagawa ni LSS.
“Hayy naku! Diyan na nga kayong mga baliw kayo! Baka mahawaan pa ako sa inyo.”, naiinis niyang sigaw sa dalawa na nakapagpabalik sa katinuan ni LSS.
“What the heck did you say! Ikaw na baboy ka! Kung wala kang matinong sasabihin mabuti pa eh manahimik ka na lang! isa pang ganyan mo at aadobohin na kita!”, galit niyang wika.
“Eh sa nag-aalala po kasi ako sa iyo. Malay ko ba kung inatake ka na pala ng epilepsy. Concern lang ako sa’yo kasi nga di ba, amo kita.’’, mahaba niyang tugon.
“Hindi ko kailangan ng concern mo! Thank you na lang! Naku, pagdating ni Myko bukas, lagot ka dun. Isusumbong kita.”, saad ni LSS na noo’y niyakap nang mahigpit ang unan at saka ngumiti. “Oh my Myko Gabriel dela Polavieja, I really really miss you.”
BINABASA MO ANG
MY PIGGY PRINCE
Fantasimyko gabriel dela polavieja... ultimate playboy, heartbreaker, a cassanova prince... nasa kanya na ang lahat, pero nang dahil doon ay marami siyang nasaktan... pinaluha at pinaglaruan... isinumpa siyang maging biik dahil nagkamali siyang saktan ang...
