CHAPTER 30: STAR GAZING (part 2)
MY PIGGY PRINCE by supladongtorpe09
Umiiyak nga si Francesca, … Nasasaktan na naman siya!!
Hanggang kalian ba siya magiging ganito??
Hanggang kalian Francesca??
Myko, alam ko ang nilalaman ng isip mo. Alam kong alam mo na nasasaktan ako. Per obakit nga ba ako nananatili sa tabi mo?
Isa lang ang ibig sabihin nun Myko. Hindi ko na kailangan pang sabihin iyon dahil alam mo na ang sagot.
Oo, mahirap para sa akin ‘to lalo na’t magkasama tayo sa iisang bubong.
Pero Myko, kakayanin ko.
Lalabanan ko ang sakit makasama ka lang.
Dahil pag nalayo ako sa iyo, lalo lang akong masasaktan at hindi ko kakayanin iyon.
Minsan na akong nasaktan nang dahil sa iyo at handa akong masaktan nang paulit-ulit makasama ko lang.
Ayos lang sa akin na maging manhid at magpanggap na walang pakialam. Okay lang sa akin na magbulag-bulagan, wag ka lang mawala sa akin nang tuluyan. Alam kong hindi ako ang mahal mo. Pero asahan mo, hindi ako aalis sa tabi mo.
Pagkatapos nang mga sinabi niyang iyon, naramdaman kong may nangingilid na ring luha sa mga mata ko.
Bakit nga ba kailangan pang mahalin ako ng isang taong hindi ko naman mahal?
at bakit kailangan pang mahalin ko ang isang taong hindi ko alam kung ako’y mahal din!?
Ang gulo!!! at alam ko, na sa maling kilos ko lang, maraming maaapektuhan. Maaaring magbago ang lahat.
Puchi lang Myko eh… Bakit nga ba utak lang ninyo ang kaya naming kontrolin?! Sana pati puso na rin!
Hindi na sana ako nasasaktan ngayon!
I’m sorry Francesca, I’m sorry kung hindi kita magawang mahalin.
I’m deeply in love with someone else kasi.
Walang tumagal na realsyon sa akin kasi nakareserved na ang puso ko.
Matagal ko na siyang mahal pero hindi ko alam kung mahal din niya ako.
Yun naman pala eh! Hindi ka sigurado kung mahal ka rin niya! Bakit Myko? Mahal na mahal naman kita ah.
Handa akong ibigay sa iyo ang lahat. Maging ang buhay ko. Kahit isuko ko pa ang pagiging diwata ko, okay lang ..
Basta para sa’yo. Mahalin mo lang ako, handa akong gawin ang lahat!
I’m sorry . Pero hindi talaga eh. Hindi ko kayang turuan ang puso ko na mahalin ka.
Hindi ko kaya at kapag pinilit mo pa ito, mas lalo ka lang masasaktan.
Masaktan na kung masaktan Myko, basta andito lang ako para sa’yo. Andito lang ako para sa’yo Myko…
Bakit nga ba mahal na mahal mo ako?
Kasi iyon ang nararamdaman at isinisigaw ng puso ko. Kahit na alam ko na kahit mapaos man ako sa kasisigaw sa buong mundo na ikaw ang mahal ko, hindi mo pa rin iyon maririnig kasi iba na ang mundo mo.
Pero kasama ka pa rin sa mundo ko Francesca. Yun nga lang, hindi ikaw ang itinitibok ng puso ko…
Humagulhol na siya nun. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ganito. Ang una ay nung nahuli niya akong nakikipagflirt sa ibang babae which is, kabibreak ko lang sa kaniya that day.
Sobrang sikip na rin ng dibdib ko. Ayaw ko kasi talagang makakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko. Weakness ko kasi iyon. Parang dinudurog ang puso ko!
Maya-maya lang, tumigil na siya. PInunasan niya ang mga luha niya sa pamamagitan ng kamay niya.
I feel so guilty about what’s happening to her.
I’m sorry Francesca… I’m really really sorry.
BINABASA MO ANG
MY PIGGY PRINCE
Fantasymyko gabriel dela polavieja... ultimate playboy, heartbreaker, a cassanova prince... nasa kanya na ang lahat, pero nang dahil doon ay marami siyang nasaktan... pinaluha at pinaglaruan... isinumpa siyang maging biik dahil nagkamali siyang saktan ang...
