Chapter 58: Sorry Francesca
supladongtorpe09
Sus tama na nga kayong dalawa!
My... Ah este baboy na nagsasalita alam kong gutom ka na. Kumain ka na kaya muna?
Naku buti na lang Francesca at nariyan ka. Hindi ko kasi maintindihan ang bestfriend mo. Mukhang concerned na parang hindi.Ewan ko sa'yo!
(3rd person na po tayo ha? Hehe salamat!)
Sa inis ni LSS ay umakyat na sya at pumasok sa kwarto. Pagalit niyang isinara ang pinto. Kani-kanina lang eh napakasaya nya dahil nakasama na nya si Myko pero nang dumating si Myko as pig, biglang nagbago ang mood nya.
"Nakakainis sya! Nakakainis talaga ang nagsasalitang baboy na yun! Kung hindi ko lang talaga sya pet matagal ko na siyang dinala sa carnaval. For sure kikita ako dahil sa kakayahan ng baboy na yun. Pag nangyari yun, sisikat ako, magiging milyonaryo at ... Basta! Wahaha.
Pero naman! Ayyiieh!! Kinikilig ako! Nyahaha.. Bakit ba? Eh nakasama ko na ulit ang Myko ko eh.Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang guwapo at cute na kababata ko. Sobrang namiss ko siya! Nyahaha. Kung hindi ko nga napigilan ang sarili ko baka nahalikan ko na sya kanina."
Para syang baliw na nagpapagulung-gulong sa kama nun. Hindi nya maikubli ang sayang nararamdaman nya nang makitang muli si Myko.
Samantala nagkaroon naman ng pagkakataong mag-usap sina Francesca at Myko the pig sa ibaba.
"Ah Francesca, yung nangyari kanina.."
"Alam ko Myko. Nagtataka kung bakit nagpanggap ako na hindi kita kilala. Mas mabuti na yun Myko. Mas okay na yun ang mangyari kasi baka mahirapan ako lalo."
"Mahihirapan din si Tiffany pag nalaman nyang may past tayo."
"Pero bakit Francesca? Pahihirapan mo lang ang sarili mo"
"Okay lang na ako ang mahirapan Myko. Okay lang. Kaya ko 'to. Kakayanin ko. At saka isa pa, mas mabuti na to kasi.."
"Kasi ano?""Kasi... Basta mauunawaan mo rin sa sunod na pagtatransform mo."
"Huh? Hindi kita maintindihan Francesca."
"Basta makinig ka lang. Malalaman mo rin ang ibig kong sbihin. Saka kumain ka na. Alam kong gutom ka na eh."
"Sus naman! Kanina ko pa nga 'to kinain eh. Di ba ako si Myko the Pogi kanina?"
"Naman oh! Ang hangin! Haha nakapagtransform ka lang umiral na naman ang kayabangan mo!"
"Haha. Pagbigyan mo na ako. Minsan lang naman to eh."
"Minsan daw eh palagi na nga eh. Haha. Eh yung gold nakuha mo ba?"
"Oo."
"Good! Eh di 8 times ka na lang makakapagtransform. Congrats! Malapit-lapit ka na sa katotohanan Myko."
"Yeah! At hindi ko to magagawa kung wala ka Francesca."
"Sus ikaw pa! Basta ba para sa'yo eh! Lahat kakayanin ko (pabulong).
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Ah. Wa.. Wala. Ang sabi ko, talaga bang hindi ka na kakain? Magpahinga ka muna sandali at puntahan mo si Tiffany. Galit sayo yun eh."
"Tsk. Sige. Pinaalala mo pa eh. Pupuntahan ko na nga ngayon."
"Sige! Galingan mo ha?"
![](https://img.wattpad.com/cover/4482850-288-k916996.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PIGGY PRINCE
Fantasymyko gabriel dela polavieja... ultimate playboy, heartbreaker, a cassanova prince... nasa kanya na ang lahat, pero nang dahil doon ay marami siyang nasaktan... pinaluha at pinaglaruan... isinumpa siyang maging biik dahil nagkamali siyang saktan ang...