CHAPTER 11: The Search For MS. BROKEN
My PIGGY PRINCE by supladongtorpe09
Gamit ang powers ni Francesca ay narating na namin agad ang bahay niya.
Wow! ang bilis! Iba na talaga pag mayroong speacial powers!!! Magagawa mo ang lahat ng imposible!
Ayun, nandito na tayo My PIGGY PRINCE!!! Feel at home. Wag kang mahihiya..
Wag kang mag-alala, ako lang ang andito at ang tatanga-tanga kong body guard na na fairy.
Ang ganda naman ng bahay mo Francesca. Ordinaryong bahay lang sa labas pero malapalasyo sa loob. Puro ginto pa ang lahat ng bagay.. Pwede bang makahingi at nang maibenta ko??
Baliw! Di pwede! Sa aming mundo lang effective ang pagkaginto ng lahat ng gintong makikita mo dito. Sa inyong mundo, mga ipot lang ng aswang na ANGRY BIRDS yan!
HUH?! Ganun?? Grabe naman yan!!! Kala ko pa naman madadagdagan na ang kayamanan namin!!! hahahah... ipot pala ng aswang na angray birds na iyon!!! Wahahahah... buti na lang at hindi ko pa nahahawakan!!! wahahah...
Wag kang mag-alala.. Di ba sabi ng kasunduan, kailangan mong hanapin ang 9 na pirasong ginto sa pinakadulo ng bahaghari? Sa panahong iyon, may 3 hours ka rin para bumalik sa pagiging tao mo...
Saka yun ang tunay na ginto... Pero hindi nga lang maaaring ipagbili dahil may special na kakayahan iyon.
Talaga??? Yes!!! Akala ko ba naman habang buhay na talaga akong magtitiis sa pagiging baboy!!!
Eh ano pala yung special na kakayahang iyon?
Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo iyon. Maghintay ka!
Ah ganun..
.
.
.
Pero ano nga yun?
Wag ka ngang makulit!
Eh naman.... Please na!!!
Ano ang gusto mo, sasabihin ko iyon sa iyo pero ipapakain na kita sa mga aswang na angry birds mamaya???!!!
Sabi ko nga di ba!!! Hindi na ako mangungulit!!!
Nagnod na ako noon tapos nag-aktong malungkot...
(A/N: Paano ba magnod at malungkot ang baboy???)
Weh... Wa epek sa akin yan!!! Maghintay ka na lang...
Hindi ko pa rin siya pinapansin nun. Tinalikuran ko na siya nun at nag-isip..
Ano kaya ang binabanggit na something special sa 9 na gintong iyon? Sana naman pwede iyon para sa katuparan ng mga pangarap ko!!!
EXCLUSIVE MYKO GABRIELLE DELA POLAVIEJA'S DREAMLIST:
1. Sports car na lumilipad... YUng red!!!
2. Magpatayo ng Mall sa Bermuda Triangle.
3. Maging Presidente ng buong Universe.
4. Mapangasawa si ANGEL LOCSIN
5. Makalipad papuntang buwan at maging bakasyunan ito.
6. maging isang sikat na Writer sa Wattpad si supladongtorpe09
7. Magkaroon ng mansiyon na nakalutang sa ere.
8. Makita at makausap si GOD at humingi ng tawad sa kaniya.
at
9. Magkaroon ng dalawang dosenang anak na puro panganay!!!
Hahahahah... Di ba ang lupit??? hahahha Siyempre hindi pa rin mawawala sa listahan ung #9.. yun kasi ang pinakadream ko!!! wahahahhah...
Tumatawa na ako noon nang malakas habang si Francesca ay seryoso lang at nakapikit. Parang may malalim na iniisip.
(A/N: Paano ba tumawa ang baboy???)
Ui Francesca, ano ba ang nangyayari sa iyo at parang sobrang lalim ng iniisip mo?
May problema ba? Saka magsalita ka naman!!! Para ka nang mangkukulam na iniwan ng asawa ah... hahahha
Tumahimik ka nga! Kung gusto mong mawala na ang sumpa, tumahimik ka na lang!!!
Hala!!! Siya pa ngayon ang may ganang magsungit eh siya nga ang hindi namamansin...
Pero ano kaya ang iniisip nito at sabi pa niya ay para mawala na ang sumpa...
HAH??? Nag-iisip siya ng way para mawala na ang sumpa??? YES!!! Sana naman effective!!!

BINABASA MO ANG
MY PIGGY PRINCE
Fantasíamyko gabriel dela polavieja... ultimate playboy, heartbreaker, a cassanova prince... nasa kanya na ang lahat, pero nang dahil doon ay marami siyang nasaktan... pinaluha at pinaglaruan... isinumpa siyang maging biik dahil nagkamali siyang saktan ang...