CHAPTER 57: The PIG is Back!

0 9 7
                                    

CHAPTER 57: The PIG is Back!

Supladongtorpe09

‘Wag kang mag-alala Tiffany. Babalik din siya. Nagpromise siya sa’yo di ba?

Oo Francie. Pero sana hindi na lang siya umalis. Alam mo ba, ang sarap talaga sa feeling na nakita at nakasama mo na ulit ang taong matagal mo nang hinihintay. Para akong nabunutan ng tinik sa ilong.. ahhahha…

Huh.. Sa ilong? Sa lalamnan kaya yun. Ahahha. Ikaw ha. Parang iba na yang nararamdaman mo ha. Pacheck up ka na kay Dr. Kwek Kwek.

Dr. Kwek Kwek? Sino yun Francie?

Sus! Nakalimot ka kaagad. Siya yung gumamot sa’yo sa kaharian namin nung akala naming na hindi ka na mabubuhay pa. Saka siya yung pinakamagaling na doktor na diwata sa aming kaharian.

Ahhh siya bay un.. sorry di ko na naalala eh. Masyado kasi akong nastar struck kay Myko kanina. Hehheh. Pero sana talaga Francie nandito siya bukas. Kasi… ahhhm…

Kasi ano??

SSShhhh.. secret lang natin to ha? Wag mong ipagkakalat..

Hahhaha ikaw talaga! Oo naman! Saka iriremind ko lang sa’yo, dalawa lang tayo dito kaya safe na safe ang secret mo. Hahhah.

Tse! Hahhah. Sige na nga! Ahh Francie.. sasabihin ko na sa kaniya yung feelings ko. Hindi ko na kasi mapigilan eh… Para nga akong bomba kanina eh. Muntik nang sumabog ang puso ko.

Alam mo Tiffany ang corny mo. Pabirong sabi ni Francesca sa kanya kahit deep inside eh nagseselos siya at nagiguilty. Kasi hindi pa rin niya nasasabi  ang nakaraan nila ni Myko. Kahit hindi seryoso si Myko sa kanya, minamahal niya at mamahalin niya ito kahit na masaktan siya.

Mahal ng bestfriend niya ang taong mahal niya kaya wala na siyang magagawa kundi ang magkunwari. Handa siyang masaktan at magtiis dahil alam niyang wala ring mangyayari kung ipagpipilitan pa niya ang sarili niya kay Myko kaya magpaparaya na lang siya.

Kung bakit kasi utak lang ang kaya nilang kontrolin at hindi ang puso ng mga tao. Sana kaya nilang gawin yun para kung sino man ang maibigan nila ay kaya rin silang mahalin.

Habang nag-uusap silang dalawa, nakarinig sila ng isang malakas na kalabog sa labas.

Waaaahhhh!! Francie may mumu!! Itago mo ako Francie! Patago sa ilalim ng palda mo!!

Huh!? Ano ka ba Francie! Hindi pwede yun! Baka Makita mo ang hindi mo dapat Makita! .. Saka, wag kang  mag-alala, hindi naman uubra sa akin yan kung mumu man ang nsa labas na yan. Nakalimutan mo ba? Fairy ako at may magical powers ako.

Eh basta!! Takot pa rin ako saka sige na!! patago na ako sa ilalim ng palda mo. Alam ko kasi na safe na safe ako dun kasi may powers din dun!

MY PIGGY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon