CHAPTER 55: AWKWARD!!!

302 14 0
                                    

CHAPTER 55: AWKWARD!!!

 

My PIGGY PRINCE by supladongtorpe09

 

 

Naiwan na sina Myko at Francesca sa living room. Awkwardness ang namamagitan sa kanila.  Parang gusto nilang mag-usap pero natutunaw lang sa dulo ng kanilang dila ang mga salitang gusto nilang bitawan.

 

Hanggang sa…

 

 MYKO/Francesca??, nauutal nilang  sabi.

 

Ah Francesca.. okay ka lang ba? Bakit kailangan mong magpanggap na hindi tayo magkakilala?

 

Kailan ba ako hindi naging okay? Mas mabuti na to Myko. Mas mabuting hindi niya malaman na magkakilala tayo. Na may past tayo.

 

Pero Francesca…

 

Okay nga lang ako Myko. Magiging okay din ako! Alam ko namang hindi ako ang mahal mo eh. Siya ang mahal mo! Ako lang naman ang tatanga-tangang ipinagpipilitan ang sarili sa iyo eh. Alam kong walang patutunguhan ang  nararamdaman ko kaya sisimulan ko nang tanggapin iyon ngayon., at ang pinakamainam na gawin ay ang magpanggap. Basta, magtiwala  ka lang Myko. Magiging okay din ako.

Saka iparomise mo sa akin na hindi mo sasaktan si Tiffany at hindi mo na siya iiwan. Mahalin mo lang siya ng totoo, parang minamahal mo na rin ako.

 

Francesca…

 

Okay lang Myko… Please? Gawin mo lahat ang mga sinabi ko sa’yo. Please do love her truly for me?

 

Thanks Francesca. I promise… Sorry ha? Hindi ko naman akalaing aabot sa ganito ang  lahat.

 

 

Pinipigilang hindi maiyak ni Francesca. Ayaw niyang umiyak sa harap ng atong mahal na mahal niya pero hindi siya pwedeng mahalin.

Kailangan niyang itago ang sakit na nararamdaman niya. Para ito sa happiness ng bestfriend niya. Pero kahit kalian, traidor talaga ang mga luha niya. Tuluyan na siyang umiyak. Maya-maya alng ay dumating na si Tiffany.

 

Im back!

Masiglang sabi nito..

 

Kakain na tayo!!! Ah.., Francie, bakit ka umiiyak? Masama ba ang pakiramdam mo?

 

Ah.. hehhehe.. wala to Tiffany. Wala to.. Naiiyak ako… kasi…

 

 

Kasi si Dora eh! Naiiyak ako dahil kay Dora. Nakakaawa siya eh. Muntik na siyang  maloko ni Swifer! Ahahha..

 

 

Sus! Nababaliw ka na naman eh! Ahahha… kaya na ni Dora yun! Siya pa! ahahhaha… pero oo nga nu?

Nakakaiyak!! Huhuhuhuhu!!! Kawawa naman si Dora.. ahhahha…

 

Nagkunwaring umiiyak na rin  si LSS nun.

Samantala, nagiguilty naman si Myko dahil sa mga nangyayari. Naaawa siya kay Francesca  dahil kailangan pa nitong magpanggap na hindi nasasaktan.

 Sus! Tama na nga ang kadramahan! Tara, kumain na tayo…

 

 

Ui, blackforest? Paborito ko yan! Thank you Myko!

 

You’re welcome Francesca., sagot niya dito na hindi tumitingin sa mata.

 

 Kumain na silang tatlo nun kahit may awkwardness na namamagitan kina Francesca at Myko…

 

Nabasag ang katahimikan nang magsalita si LSS.

 

Ah Myko, pano mo nga pala nalaman na nandito ako ngayon kay Francie?

 

Pinagtanong ko.. alam mo namang walang malayo basta makita mo ang taong MAHAL… LAGA sa iyo dib a?… aahhah…

 

Sus! Dinadiabetes ka na ata Myko, bakit ba ang sweet mo ngayon?

 

Ahhh… Tiffany, Myko, aakyat muna ako sa taas ha? Medyo nahihilo kasi ako. Kailangan kong  magpahinga. Dahil siguro ito sa pagpapaulan natin kanina.

 

Hag? Naku!! Oo nga pala! Shit! Francie, asan na kaya ang **toot** na yun? Sana hindi siya nakuha ng  mga masasamang loob!

 

Wag kang mag-alala dun Tiffany, baka mamaya nandiyan lang yun sa tabi tabi., sabay tingin ng masama kay Myko.. Siya sige, mauna na talaga ako. Parang gusto ko munang magpahinga eh.

 

Sige Francie.

 

 

Nagdiri-diretso na si Francesca sa taas patungo sa kwarto nya. Sumalampak siya sa kama at…

 

 

 

 

 

UMIYAK..

 

 

It’s already 4:20pm. One hour nang nakapagtransform si Myko. May 2 hours pa siya para makasama si LSS para sa araw na ito.

 

Hindi na siya nagsayang pa ng oras para sabihin kay LSS kung gaano siya nahirapan sa pagkakalayo nila.

 

 

MY PIGGY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon