CHAPTER 10: Why Me??? (Part 2)

485 22 4
                                    

CHAPTER 10: Why Me??? (Part 2)

My Piggy Prince by supladongtorpe09

Matapos pumasok sa isip ko ang lahat ng possibilities na iyon ay nagsisigaw na ako at nagpumiglas.

OInk.. bakit.. Oink mo.. Oing.. ako kinuha???

Siyempre hindi niya alam ang translation nun kasi iba ang lenggwaheng ginagamit ko...

Pero...

Nagkamali ako kasi bigla siyang sumagot...

HIndi kaya baboy siya? Hindi kaya isinumpa rin siya na maging baboy kaso ang mga pinaiyak niya ay mga lalaki?

Alam kong babae siya. Alam ko kasi ang amoy ng mga babae... Ako pa? Eh sobrang daming babae na ang dumating sa buahy ko??? Wahahahha...

Wag kang mag-alala Myko Gabrielle dela Polavieja...

Ano raw?? Sino ba ito?

Bakit kilala niya ako???

Hindi kaya diwata ito??

Wag kang mag-alala, ako ito, si Francesca... Tumakas ako sa kaharian para puntahan at iligtas ka... Nakita ko kasi kaninang pinagkakaguluhan ka..

Ano? Pinagkakaguluhan daw ako? Correction...  ako ang nangugulo kanina!!! wahahaha..

Pero sa inis ko, nasigawan ko siya at nasabihan ng masasakit na salita...

Ikaw!! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito!

KUng hindi dahil sa iyo, hindi sana ako magkakaganito!! Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko!

Pero MYko... Kailangan mo ang tulong ko... Kahit na ipagtabuyan mo ako, hinding-hindi ako lalayo sa tabi mo.

Kahit ipagtulakan mo ako, o sabihan ng mga masasakit na salita, at paulit-ulit na saktan, hinding-hindi ako mawawala sa iyo... Alam kong kailangan  mo ang  tulong ko at sa ayaw at sa gusto mo, tutulungan kita...

Oo, alam kong nagsisisi ka at dumating pa ako sa buahy mo. Alam kong inis na inis ka sa akin, alam kong galit na galit ka sa akin dahil ipinagpilitan ko pa ang sarili ko sa iyo.. Pero Myko, mahal kita... Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo. Matagal na kitang minamahal nang patago...

Bakit  ba kasi naging diwata pa ako? Bakit nagmahal pa ang isang diwantang tulad ko sa isang tao. Alam ko namang hindi iyon maaari dahil magkaiba ang mundo nating dalawa... Maraming hadlang... Maraming tututol.. Pero kahit na lama ko ang lahat ng iyon ay pinilit kong makasama kita.. Pinilit kong ipagsiksikan ang sarili ko sa iyo dahil mahal kita...

Hindi mo ba maintindihan iyon MYko? Hindi mo ba ako naiintindihan??? Nagmamahal lang ako Myko... Lecheng puso kasi to eh!!! Asar!!!

Biglang lumungkot ang mukha niya. Ramdam ko ang sakit na dinadala niya. Siya man ay nasasaktan sa nangyayari... Siya nga si FRANCESCA MAGENTA...

Ang pinakamaganda pero pinakaweirdo sa lahat ng babaeng nakilala ko.

Ang babaeng pinagtulakan ko nang paulit-ulit at sinabihan ng masasakit na salita.

Oo, inaamin ko, noon, may nararamdaman na ako sa kanya pero hindi ko na pinatindi pa ang nararamdaman kong iyon. Sinaktan ko siya dahil takot akong  umibig. Takot akong umibig dahil alam kong pag nagmahal ako, mapapalapit ako sa kaniya at pag nangyari iyon, mahihirapan akong mawala siya. Dahi ltuald ni Mommy, alam kong iiwan din niya ako.

Mahirap siguro para sa kaniya ang mga ginawa ko. Pero bakit nandito pa rin siya sa tabi ko?

Bakit Francesca?

Bakit?

MY PIGGY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon