CHAPTER 24: ALMOST A NIGHTMARE

410 21 20
                                    

CHAPTER 24: ALMOST A NIGHTMARE

My PIGGY PRINCE by supladongtorpe09

It's already 2am na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Maraming gumugulo sa isip ko.

Kung paanong nangyari ang lahat ng ito hanggang sa puntong naging baboy ako at nakita ko nang muli si LSS ko.


at saka napakasakit ng feeling na, sobrang lapit mo na sa isang tao., pero sobrang layo pa rin?!!!


kasi, may hadlang, ...

hindi pa pwedeng magkasama kami ng normal nang dahil sa nangyari sa akin...


na kahit nakikita ko siyang masaya, alam kong hindi pa rin ako ang dahilan ng bawat ngiting iyon...


Parang may pader na nakapagitan sa aming dalawa, at kahit ano ang gawin kong pagigpaw sa pader na iyon, wala akong magawa,.. hindi ako makarating sa kabila dahil nga magkaiba na kami ngayon...

Parang nagsisisi na ako sa lahat ng mga kagaguhang ginawa ko.

Sa pagpapaiyak ng babae at pagdurog ng puso nila. Ito  na talaga siguro ang tinatawag nilang KARMA.

Ilang saglit lang...

MYKO GABRIELLE.. Nasaan ka na ba? Lagi kong hinihintay ang pagdating mo. Kahit pumuti mang ang mga buhok ko sa boung katawan sa kakahintay, hindi ako mapapagod Myko. Kailangan kita MYko...

Kailangan kita sa buhay ko.

Bakit ba iniwan mo ako? Ni hindi ka man lang nagparamdam sa loob ng sampung taon. Sabi mo, hindi ka mawawala sa tabi ko pero bakit ngayon wala ka na?

Sana dumating ka na kasi.....

Si LSS ko...

Nagsasalita siya nang tulog! Ramdam ko ang lungkot na dinadala niya. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyon dahil ganun din ang nararamdaman ko noon, at nararamdaman pa rin hanggang ngayon.

Ngunit ang pangungulila ko sa kanya ay nawala na dahil nakita ko na siya.

Pero siya, kailangan pa niyang hintayin ang pagpapalit anyo ko para mawala na ang pangungulilang iyon...

Dahil ito ay tulad ng lason na kumikitil sa isang tao pag kumalat na sa iyong buong katawan. Kapag dumaloy na sa iyong mga ugat ang pangungulila, makagagawa ka ng isang bagay na maaari mong ikapahamak...

Kaya siguro nagawa niyang magsuicide dati... Iyon ay dahil sa lungkot na idinulot ko sa kaniya...

Kailangan pa naming maghintay ng paglitaw ng bahaghari kapag umuulan habang sumisikat ang araw..

Dahil ayon sa kasunduan, maaari akong bumalik sa pagiging tao kapag nangyari  na iyon.

Kailan kaya ang unang paglitaw ng bahaghari?

Sana bukas na para mayakap at maramdaman ko na ang pagmamahal ni LSS ko.

Maghitay ka lang LSS ko. Malapit na tayong magkasama.

Malapit na tayong magkasama nang walang hadlang, nang walang alinlangan at walang pag-aalalang baboy ako...

Hinihintay ko ang  susunod niyang sasabihin...

Pinagmamasdan kong bumukas ang kaniyang bibig dahil gustung-gusto kong malaman ang sasabihin niya.

Mula kasi nang marinig ko siyang magsalita, nagising na ang diwa ko...


Parang may nais siyang ipahiwatig sa naudlot niyang sasabihin...

 

MY PIGGY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon