CHAPTER 41

20 9 0
                                        

Kristell's POV

Nandito kami ngayon sa ospital. Nakaupo ako, tulala, habang nasa emergency room sina Liam, Zahaira, at ang Dean. Patay na si Joseph Israel, gaya ng sinasabi nila, at pati si Alejandro, wala na rin. Si Keziah, ginagamot pa sa loob, pero pagkatapos maghilom ng mga sugat niya, ipapakulong na siya. May mga pulis nang nakabantay sa labas ng room niya.

Ang mga kaibigan ko? Pare-pareho rin silang ginagamot. Marami kasi silang natamong sugat. Si Zielle, lalo na—nakipaglaban kasi siya kay Joseph, at natamaan siya ng baril sa braso at binti. Pero siya rin ang tumapos kay Joseph.

Ang bigat sa dibdib. Parang hindi ko na maramdaman ang mga nangyayari sa paligid. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko—bakit umabot sa ganito? Bakit nangyari lahat ng 'to? Pero wala akong makuhang sagot. Nakakabingi ang katahimikan, kahit may mga tao sa paligid, nagmamadali, nagsasalita. Hindi ko sila marinig.

Tiningnan ko si Zielle. She’s hurting, physically and emotionally. Napakalaki ng nawala sa kanya dahil sa lahat ng ito, sa amin lahat. Pero si Zahaira, siya ang iniisip ko. Nasa emergency room, hindi ko alam kung lalabas pa ba siyang buhay o...

Nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko.

Alam kong nagsimula ito dahil sa Blake legend at Dragon group, alam kong naghihiganti ang mga 'yon para sa ina nila, pero damn... ang daming nadamay. Hindi ko alam kung matatawag bang justice 'to para sa kanila o isang sunod-sunod na trahedya lang na nagpalala ng sitwasyon.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko, lahat may sugat, lahat nakaramdam ng takot, at ngayon nandito kami—pinagdadaanan ang ganitong klaseng sakit. Seryoso ba 'to? Ganito na lang ba lagi, violence after violence? Alam kong gustong maghiganti ni Joseph at ng grupo niya, pero paano naman kami? Paano yung mga inosente na nadamay? Nakakapagod na...

Nangyari ang lahat ng 'to sa isang iglap. Isang gabing puno ng ingay, putok ng baril, at sigawan. Now, it feels like we’re just picking up the pieces of a shattered world na iniwan ng mga nawala. How do we even move forward from here?

Tumingin ako sa pinto ng emergency room, umaasang may good news. Pero ang bigat sa loob ko... parang walang kasiguraduhan.

Nagsimula na akong maiyak, hindi ko na kayang pigilan. Mas naaawa ako kay Zahaira, sa bestfriend ko... Awang-awa ako sakanya dahil ang daming problema ang sunud-sunod na sinasalubong niya. Birthday pa niya kahapon, and yet... ganito ang nangyari.

"Tangina..." bulong ko sa sarili, ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari ngayon. Parang bangungot na hindi magising-gising. Isang araw lang, everything was supposed to be normal—birthday ni Haira, celebration dapat, pero ngayon... nasa ospital kami, surrounded by chaos and pain.

Hindi ko alam kung paano siya nakakaya ang lahat ng ‘to. Si Liam, Zahaira and Dean, nasa ER, si Keziah ipapakulong, at lahat ng kaibigan namin sugatan—physically and emotionally. Gusto kong yakapin si Zahaira, gusto ko siyang komportahin, pero paano ko gagawin ‘yon kung ako mismo hindi ko na alam kung paano huminga sa bigat ng mga pangyayari?

Iniisip ko, paano pa kaya siya?

Ang sakit talaga tignan. Lahat sila—mga inosente—may mga sugat, lahat nadamay sa gulong ‘di naman nila ginusto. Nakakaawa sila, lalo na si Zahaira... Parang siya ang pinakamatinding tinamaan kahit hindi naman siya ang may kasalanan. Pero lahat ng bigat, lahat ng responsibilidad, siya ang umako.

Ang ama niya ang may pinagmulan ng lahat ng ‘to, pero si Haira ang nasaktan, si Haira ang nawalan ng kapayapaan. Nakikita ko ang mga kaibigan namin, sugatan, pisikal man o emosyonal, at si Zahaira... siya ang pinakamasakit panoorin. Iba ‘yung pagod na nasa mga mata niya, na parang wala nang katapusan ang mga problema.

Stay With Me Where stories live. Discover now