" Mapapahamak talaga tayo sa ginagawa nitong si Ravin eh.." Rinig kong wika ni Binibining Jastine.
" Ravin, Look.." Baling ni binibining Faith sa akin.
Napatingin ako dito.
" Hindi maganda iyong pagsigaw mo kanina sa classroom, muntik na kaming mapagalitan dahil sa ginawa mo.." wika nito.
" Ngunit binibini ang lahat nang sinabi ng iyong guro ay walang katotoohanan.."
" Tingnan mo tong isang to marunong pa sa prof eh guro iyon.." Wika naman ni binibining Jastine na may pagkairita.
" She's a professional Ravin, pinagaralan niya ang tungkol sa history and all she can't be wrong about that.." Wika naman ni binibining Faith.
Hindi maaring totoo ang mga sinabi ng gurong iyon.
" Hindi totoo ang sinasabi nang gurong iyon.. hindi maaaring mangyaring-"
" Ako... ako ang tinutukoy ng inyong guro, ako ang hari.." Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha.
" Its impossible haha, wag mo nga kaming binibiro ng ganiyan.." Hindi sila naniniwala sa akin.
" Nagsasabi ako ng katotoohanan mga binibini... Ako ang tinutukoy na hari ng inyong guro, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at napunta ako sa panahong ito.." Napakunot noo silang pareho.
" Naku baka gutom lang to kaya siya ganyan kaya pakainin muna natin iyan.." Wika ni binibining Jastine.
" Siguro nga.. sige punta na muna tayo sa cafeteria para makakain na tayo.." Wika ni binibining Faith at hinila ako palakad kung saan man niya ako dadalhin.
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nang gurong iyon, impossibleng gawin ni Snow ang bagay na iyon. Kailangan ko na talaga makabalik sa palasyo.
" Nandito na tayo.." Wika ni binibining Faith.
Napatigil ako saglit ang pinagmasdan ang lugar. Maraming tao ang kumakain sa lugar na ito, bulwagan siguro ito kung saan ang mga istudyante ay maaring kumain sa lugar na ito.
" Halika doon tayo sa walang nakaupo, hintayin na lang natin si Jastine doon.." Wika ni binibining Faith.
" Bakit ako ang oorder?" tanong naman binibining Jastine kay binibining Faith
" Ikaw na ang dami mo pang arte eh.." Pagkasabi nito ay hinawakan ako sa braso at hinila papunta sa pwesto na sinasabi nito.
Nang makaupo ay pansin ko na pinagtitinginan ako nang mga tao na nasa loob ng kainan na ito.
" May problema ba sa aking mukha binibini?" Tanong ko.
" Naku walang problema.. Ang ganda mo kasi kaya pinagtitinginan ka ng mga tao.." Napakunot noo ako sa sinabi nito.
" Alam mo sa totoo lang naiiba kasi iyang itsura mo kumpara sa iba hehe, maganda- ay hindi mas magandang itawag sayo pogi eh haha.. Ngayon lang din ako nakakita nang ganiyang feature.." Tinititigan ako nito nang husto.
" Iyong mukha mo, mapupungay na mga mata.. makapal na kilay, matangos na ilong.. at kissable lips.."
" Iyong parang ang intimidating mo pero ang totoo ang soft mo pala.. tapos ang masculine mo tingnan.. parang ikaw iyong tipong babaero, iyong maraming chicks sa paligid at habulin ng babae... " Komento nito.
" Alam mo para kang galing sa isang Royal Family.." Wika pa nito.
" Royal Family? ano ang ibig mong sabihin binibini?" Tanong ko dito, may mga salita talaga na hindi ko maintindihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/239742798-288-k155115.jpg)
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...