Tatlongput' Tatlo

1.3K 55 9
                                        







" Mukhang malalim ata ang iniisip mo Ravin? "

Napatingin ako sa gawi ni Faith.

" Wala ito Faith..."

" Nagaway ba kayo ni Ms. Victoria? " Tanong pa ulit nito.

Naalala ko na naman ang nangyari noong isang gabi, muntik nang may mangyari sa amin.

" Hindi, hindi kami nagaway.."

Sa ngayon hindi ko muna kinakausap si Victoria dahil aa nangyari. At iniiwasan ko din siya ngayon.

" Alam mo Ravin ganiyan talaga kapag may nobya ka hindi maiiwasan ang tampuhan at hindi pagkakaintindihan.."

Tumango na lamang ako sa kaniya.

" Ganito na lang para sumaya ka naman igagala ka namin ni Jastine sa mall.."

" Para naman marelax ka din hehe.." Inakbayan pa ako nito at ngumiti.

Matapos nga nang klase namin nila Faith at Jastine ay dinala nila ako sa tinatawag nilang mall.

" Anong gusto niyong unang gawin? " Tanong ni Jastine.

" Should we play sa arcade? " Mungkahi naman ni Faith.

" Or maybe nood tayo nang sine? " Wika naman ni Jastine.

Tiningnan ko lamang silang dalawa na naguusap.

" How about you Ravin? anong gusto mo?" Baling na tanong naman sa akin ni Faith.

Wala naman akong maisip gawin dahil hindi naman ako pamilyar sa ganitong lugar.

" Kayo nang bahala faith.." Sagot ko na lang dito.

Nakakahilo ang lugar na ito dahil sa dami nang tao ang nasa paligid namin.

" Okay sige, sa arcade na lang muna tayo.." Wika ni Faith at tumango na lamang kami ni Jastine.

Nang makarating kami sa arcade na sinasabi ni faith ay agad na silang naglibang at naglaro.

" Ravin! halika dito try mo itong basketball dali!.." Hinila ko ni faith papunta sa kinaroroonan nila ni Jastine.


" Hindi ako marunong nito Faith.." Sabi ko.


" Ano kaba madali lang to.. ishoshoot mo lang itong bola doon sa basket.." Sabi niya at binigay niya sa akin ang hawak nitong bola.


" Kailangan mong makarami nang bola na maishoot ha? dali go go! " Wika nito na tila bang nasasabik na ewan.


Ginawa ko ang sinabi nito at hinagis ang mga bola sa bilog na butas. Paulit ulit lamang ang ginawa kong paghagis.

" Yan! sige shoot! bilisan mo! "

" Three points! go king Ravin! "

Nagmadali ako dahil mauubos na ang oras. Isa na lang at natapos din.



" Wow, galing mo King Ravin.. ang score is 2.. hindi ka magaling magshoot.." Napailing iling na lang ako sa sinabing iyon ni Jastine.



" Ano kaba Jastine hindi naman lahat magaling magshoot eh haha.." Wika naman ni Faith sabay tawa nito.


" Magaling ako ah! nakascore ako 100 kanina.." Pagmamayabang naman ni Jastine.


" Hoy! tinulungan kita don! score natin iyon haha.. " Binatukan naman ni Faith si Jastine sa ulo.




Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon