" Are you okay babe? "
Napatingin ako sa gilid ko.
Si Victoria.
Pagkatapos nang tagpo namin ng prinsesa ay bumalik na ako sa cafeteria.
" Ayos lang ako Victoria.." Wika ko dito.
Hindi pa din maproseso ng utak ko kung bakit ko iyon ginawa sa prinsesa, kung bakit ko siya hinalikan. Marahil ay nangungulila lamang ako sa presensya ni Snow kaya ko nagawa iyon. Tama dahil sa kahawig niya si Snow kaya ko nagawa iyon.
" Parang ang lalim ng iniisip mo.." Wika pa nito.
Hindi na lamang ako sumagot dito at nagpatuloy nang kumain.
" Anyway, are you free mamaya? " Tanong pa ni Victoria.
" Bakit? " Balik na tanong ko dito.
" Well, I wanna show you something.." Wika nito.
" Ano naman iyon? "
Nagtataka ko itong tinitigan.
" Basta, surprise.. " Ngumiti pa ito sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako at tumango dito.
Matapos nga ng klase namin ngayong araw ay sumama na ako kay Victoria. Ngayon nga ay nasa sasakyan niya kami at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
" Saan tayo pupunta? " Tanong ko kay Victoria.
Ngumiti ito bago sumagot.
" Secret.. " Sagot niya sabay kindat pa sa akin.
Hindi na ako nagtangka pang magtanong sa kaniya.
Mga ilang minuto din naman ang lumipas at tumigil itong sinasakyan namin.
Pagbaba nga namin ay nakita ko ang isang mataas na gusali. May nakasulat pa dito na Royal Condominium.
" Lets go? " Bahagya naman akong nagulat sa paghawak ni Victoria sa kamay ko.
Tumango na lang din ako at sumabay na maglakad sa kaniya papasok ng gusali.
" Good afternoon Ms. Victoria.." Bati nang isang babae kay Victoria.
Nginitian lamang ito ni Victoria at dumiretso ng lakad. Tumigil kami sa harap ng tinatawag nilang elevator, napahinga ko nang malalim dahil naalala ko na naman ang nangyari sa akin nung una akong nakapasok aa pintuang iyan. Parang pakiramdam ko ay nalalaglag ang aking dibdib sa tuwing gumagana ito, pero kalaunan naman ay nasanay din ako.
*Ting!*
Pagbukas nang pinto ng elevator ay pumasok na kaming dalawa sa loob.
Habang nasa loob ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa bumukas ulit ang pinto nitong elevator.
Naglakad ulit kami hanggang sa tumigil siya sa harap ng isang pintuan at pumasok kami doon.
" Anong ginagawa natin dito? " Tanong ko nang makapasok kami sa loob.
" You'll see mamaya..." Wika nito.
Kanina ko pa napapansin to kay Victoria na parang kinakabahan siya tapos nung hawak ko iyong kamay niya kanina sobrang higpit nang hawak niya sa kamay ko saka ang seryoso niya ngayon.
" Siya nga pala.. sa iyo ba itong lugar na to? " Tanong ko dito dahil ang tahimik niya bigla.
" Yeah, this condo is a gift from dad.." sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
RomancePag-ibig na nagsimula sa isang pagkamuhi at pagkadisgusto ay mauuwi ba sa isang napakagandang kwento ng pag-ibig? O magiging isa lamang itong isang masalimuot na tagpo? Isang anak ng heneral na ipinagkasundo sa anak ng isang hari. At ang prinsesang...
