Chapter 2

487 21 0
                                    

Chapter 2

Geco's POV

"You know what, Amara... I think Geco doesn't like you. I saw her glaring at you earlier," Glaiza, her friend, told her when she went back to the seat just behind mine. Pakiramdam ko'y sinasamaan na rin niya ako ng tingin ngayon. Ang bigat sa likod, eh.

"I doubt that. Georgina likes me." Amara is firm in what she said. I rolled my eyes at that.

Surely, she knows I don't. Both of us don't like each other.

Mayamaya lang ay lumapit na rin ang kaibigan kong si Kyla. Hinahampas pa ako sa kilig.

"Omg! You saw their kiss? Beh, mapapatanong na lang ako kung kailan ko mararanasan ang akin," pabulong na saad niya. Tinutukoy ang love story'ng pinapanood naming dalawa. I shook my head. Ramdam ko ang pamumula ng mukha dahil naalala rin ang scene kagabi. It was so romantic.

But at the same time, I envy the main lead. I hope I can also experience the same spark.

Nagkukwento nga lang si Kyla when Amara bump into her. Susungitan na sana ni Kyla ngunit agad niyang ginamit ang inosenteng ngiti.

"Sorry, Ky, didn't notice you there," malambing ang tinig ni Amara nang sambitin 'yon. She definitely looks like those mean girls in some movies who act like an angel in front of everyone. A real brat.

Natulala lang naman so Kyla sa kaniya, napatango na wari ba'y nararahuyo sa ganda nito.

"Okay lang, Amara. Kahit tapakan mo ako, magpapasalamat pa ako," Kyla said rason kung bakit ako napailing.

"Please, ako rin sana," sambit pa ng isa sa mga kaklase namin mula sa likod. Napatingin ako sa gawi nila bago napailing.

"Gago, tinitignan ka ni Geco, France. Akala ko ba siya crush mo?" natatawang tanong ni John sa kaibigan.

"Halika, tapakan kita," biro ni Amara habang may napakalambing na tinig. She looks playful when she said that. Pero nang tignan ako'y napaawang na lang ang labi nang palihim niya akong sinamaan ng tingin. Napakamaldita talaga.

What a brat.

"Totoo? Gusto ko sa mukha, please," ani France sa kaniya.

Iritadong marinig na puring-puri siya ng mga kaklase gayong hindi naman talaga siya mabait.

"Oh! Printed na pala ang newspaper for this week, eh!"

Nawala lang ang atensiyon ko sa kaniya nang magpantig ang tainga ko sa dalawang kaklase na nagbabasa sa paper na nilabas.

Tumayo pa ang isa sa mga lalaking kaklase na si Hans sa harap ng upuan ko. He looks at me matapos lang atang basahin ang isang linya mula sa pahayagan.

"Bakit nagrereklamo agad kayo, Geco? Eh, secured naman panigurado ang unused funds ng PhilHealth kung sa national government mapupunta," aniya. Inayos ko ang salamin at napakunot ang noo sa kaniya.

"Unused funds from philhealth transferring to the national treasury for unprogrammed appropriation?" Basa ng isa sa mga kaklase ko.

"What's unprogrammed appropriation?" tanong naman ni Hans.

"It's is an extra funds that they can use for unexpected project para hindi magalaw ang perang nakalaan na sa ibang proyekto," paliwanag ko. Hindi na napigilan ang magsalita.

"Sa madaling salita, standby money ng gobyerno. Puwedeng gamitin anumang oras para sa kung anong proyekto. At saan gagamitin? Bridge? Infrastructure? O balak lang i-pocket?" Amara smirk habang binabasa rin ang papel. Parang may mga lumalabas na bulaklak kapag nagsasalita siya.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon