Chapter 18

52 2 0
                                    

Chapter 18

Geco's POV

Kinagabihan ay nag-aya silang mag-bonfire habang ang mga kaibigan ni Amara ay nag-ayang magtungo sa bar malapit dito. Sumama pa rin si Amara kahit na masama ang kaniyang pakiramdam.

Ang mga naiwan dito ay ang mga kaibigan ni Anjo na may sari-sariling mundo rin. They are enjoying playing with each other.

"Ate Geco, ayaw mo talagang sumali?" tanong nila. Ngumiti lang ako sa kanila bago ako umiling.

"I'm good here. Don't mind me, enjoy yourself." I smile at them.

Napatingin ako kay Bry nang makita siyang lumapit sa akin para tulungan ako sa mga barbeque.

Kinuha niya ang pamaypay sa akin para tulungan ako sa barbeque. Bry really does has a great smile, malambing ang ngiti. Hindi katulad sa kilala kong parang hinuhusgahan buong pagkatao mo sa kaniyang totoong ngiti.

Bry did the work. Siya ang nagpaypay habang binabaliktad ko ang mga naiihaw. Hindi ko alam kung bakit nga ba nagagawi na naman kay Amara ang isipan. Amara wouldn't like this. Ayaw na ayaw niyon na nauusukan.

"You went here just to fan barbeque?" I asked Bry to distract myself. Bahagya siyang natawa bago nailing.

"No, I am here to get to know you," he said kaya nahinto ako

"Huh?"

"I mean I already told you that I want to know you better, right?" he asked, smiling at me. Mariin kong kinagat ang aking labi. Months ago, I said I don't mind getting to know him but now? I don't think I can. I am attracted at someone and I know my feelings too well. Hindi ko rin gugustuhing magpaasa ng kahit na sino.

"Sorry, Bry. I don't think I can let you... I have someone I like."

"Aww, friend zone na ba agad ako?" Napanguso siya bago napakamot sa kaniyang ulo.

"Friends din ba tayo?" I smirk rason kung bakit napaawang ang labi niya.

"Ang damot mo naman, Geco, kung pati friends bawal," reklamo niya kaya napatawa ako nang mahina.

"Friends then." I nodded at him. He gave me a warm smile because of what I said. Bry is not bad at all but maybe I really have weird taste. Mas gusto ko pa talaga ang kulot-kulot na laging kumikinang tapos maldita pa?

Anjo's friends are even teasing me to Bry. Of course, it was Anjo who started it again. He even took a photo of us grilling barbeques.

"Anjo, malawak ang dagat, huwag mong hintaying lumutang ka." Seryoso ang mukha ko nang sabihin 'yon but they laugh rason kung bakit nailing na lang din ako.

Ang kulit nila dahil talagang inaya pa kaming maglaro. Napasali pa kahit hindi naman gusto. They are just playing random truth and dare.

Habang nakikisali sa tawanan, hindi ko rin mapigilan ang magpabalik-balik ang tingin sa bungad ng resort, hinihintay ang pagbalik ng taong hindi naman talaga relevant sa buhay ko.

Natapos na ang mga kaibigan ni Anjo at papasok na sa kani-kanilang kwarto ngunit wala pa rin sina Amara. Kalaunan ay pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko. Nahiga na nang makalinis na ng katawan. I was about to sleep when I saw a message from Siobhan.

Siobhan:

Sweetie, gising ka pa ba? Amara keeps on calling your name. Ayaw pumasok kung hindi ikaw ang manunundo huhuhu antok na kami. Pls help

Napataas ang kilay ko. Uminom tapos hindi makabalik ngayon?

Kahit iritado, nakita ko na lang ang sariling palabas ng resort. Nasa labas na ako nang marinig ko ang tawa ni Siobhan, tinatawanan si Amara na siyang mukhang lasing. Si Juno ay naiiling na lang habang nakapatong lang ang coat sa braso. There are people who were following them. Ilang kaibigan ni Amara at mga hindi pamilyar na mukha.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon