Chapter 16

47 2 0
                                    

Chapter 16

Geco's POV

"Geco, ayos lang ba ikaw sandali ang magdala nito sa kwarto ni Amara?" tanong ni Nanay, tinuturo ang pagkain na para kay Amara. Kahit pa ayaw ko itong makita, wala akong choice. I went to her room bringing the tray.

Walang gana niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Bahagyang nahinto nang makita ako. Napabaling ang kaniyang mga mata sa tray na hawak ko.

"Pinapaabot ni Nanay." She didn't take the tray in my hands. Seryoso ang mukha nang buksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tray pero hindi ko pinahalatang naapektuhan ako dahil lang papasok muli sa kaniyang kwarto.

Parang lahat ng pinaggagawa namin dito'y naalala ko but I didn't bother thinking more about it. Nilapag ko lang ang tray sa bedside niya. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko habang nakasandal sa kaniyang pinto.

Lumabas ako sa kaniyang kwarto na hindi kami nag-iimikan. Sanay na sa ganoong sistema nitong mga nakaraang araw. Sanay na rin naman ako. Bumabalik na rin naman siguro ako sa dati.

"Geco, ano mo 'yon?" Naningkit ang mga mata ni Kyla nang matingin akong kausap si Bry na siyang sa katabing school lang nag-aaral. Talagang dumadayo pa rito sa library namin para mag-aral. Simula noong inihatid nila ako ni Kyla, he started to communicate with me.

"Kakilala?" tanong ko habang nag-aayos ng libro.

"Talaga lang, huh?" Terence said, smirking at me. Ang mga mata ko'y wala na sa kaniya, napatingin na kay Amara na papasok sa loob ng library. May taga-hawak pa ng kaniyang mga gamit habang dire-diretso siyang umupo sa pinakagitnang parte ng library. Funny how these blurry eyes can still know her from a far. Damn me, really.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa librong inaayos sa shelve. Wala naman kaming ibang interaksiyon. Kapag nagagawi ang mga mata ko sa kaniya'y hindi naman siya nakatingin.

Bakit nga ba kinakabisado ko pa ang kilos niya gayong hindi na ako interesado?

"Geco, sa 'yo 'yang drinks and foods diyan sa table. Baka pinabibigay n'ong pogi na madalas tumambay rito sa library dahil sa 'yo," nakangising saad sa akin ng isang student assistant.

Nailing lang ako roon bago kinuha ang na-print na papel na kailangan ipapirma sa office. Palabas ako nang makitang nakatingin sa akin si Amara. Her eyes doesn't have any emotion. Unti-unti niya lang iniwas ang kaniyang tingin. Ibinalik ang mga mata sa plates na ginagawa.

Iyon ang huling kita ko sa kaniya sa library. Pagkabalik ko'y wala na siya roon. Hindi na rin ulit bumalik.

"Alam mo may anonymous post tungkol sa isang anak daw ng politician na attitude at malandi. Si Amara ata ang pinapatamaan nila dahil sa paraan kung paano nila i-describe. Super feminine daw, eh," sambit ni Kyla. Nagsalubong ang kilay ko roon.

"Stop looking at those kind of post, Kyla. Wala rin namang magandang benepisiyo sa 'yo."

Kahit nilayo ko na ang sarili sa kaniya, hindi pa rin maiwasang mag-alala but whenever our path cross, she looks unbothered. She still smile sweetly at me na ikinaiinis ko. Puwede bang huwag niya na lang akong ngitian? Ang ganda ng ngiti sa labi niya?

Minsan nga lang sa bahay, pansin na ng mga kasambahay nila ang madalas na pagkawala niya sa mood. I just knew that she's really annoy na kapag ganoon na ang itsura.

"Baka may problema lang naman ang bata. Hindi rin naman direkta sa inyo ang pagsusungit niya," ani Nanay na pinagsabihan ang mga kasambahay na nag-uusap tungkol kay Amara.

Paborito talaga ni Nanay si Amara dahil kahit ano atang gawin nito'y hindi magbabago ang tingin niya sa kaniya. Tingin niya pa rin dito'y malambing na bata. Kabaliktaran naman ni Amara 'yon.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon