Chapter 25
Geco's POV
"Salamat, Bunso," nakangiti kong saad sa kapatid na si George. He boyishly smiles at me.
Kinuha ko ang gatas na ibinigay niya sa akin. It's been months since I left my old school. My old life. And since Amara and I broke up.
I continue my study here in our province. Maliit na kolehiyo sa bayan namin. They don't have accountancy kaya kinuha ko na ang BA Communication na kurso, tinutuloy ang kursong gusto ko talagang kunin. My father just told me to take what I really want without thinking of practicality. I did. This is the best thing that I have ever did.
Hindi ko magawang manghinayang sa dating school dahil alam mo rin na hindi para sa akin 'yon. That future wasn't mine to begin with. I don't want any part of something bad. Pero kahit anong gawin ko, parte na ako niyon. Nakinabang ako ng ilang taon doon.
Simple lang ang buhay namin dito sa probinsiya. Ang tatay, ang trabaho'y pangingisda. Nag-aaral din ng highschool si George. Tumutulong ako sa kanila na magtinda ng ilang huli tuwing walang pasok lalo na ngayong summer na ulit at bakasiyon sa eskwela. Ayaw sana nila ngunit alam ko rin kung gaano kamahal ang mag-aral. May mga naiipon naman ako dahil sa pagsusulat kahit paano. Ginagamit ko 'yong baon sa ngayon.
On my first month here, trato talaga nila sa akin ay bisita. Halos ilang buwan bago ako umuwi noon kaya ganoon.
"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, Ate." Ngumiti ako bago tumango. Nanatili lang ako sa upuan sa labas ng bahay habang yakap-yakap ang aking sarili. Pinanood ko siyang sagutin ang tawag ni Nanay.
"Opo, Nanay. Ikaw rin po. Huwag ka pong mag-alala sa amin dito," ani George kay Nanay na siyang kausap niya sa telepono. Bakas sa tinig ni Nanay ang pangungulila niya habang inaalala kami. May panibugho at mga tanong pa rin sa aking isipan kung bakit niya nagawa 'yon pero kahit anong gawin ko ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya nakikipaglaban pa rin sa dismaya sa kasalanang pilit niyang tinago.
Pumasok na sa loob si George, saglit lang din naman kasi lagi kapag nakalausap ko si Nanay ngayon. Madalas din ay binibisita namin siya ni Tatay. Kahit na pa hindi gusto ni Tatay ang umaalis dito sa bahay. Kahit hindi niya sabihin, alam kong mahal niya si Nanay. Madalas ay nangungulila rin ako sa kaniya kahit galit. Lumaki ako na siya lagi ang kasama, lumaki ako sa pag-aaruga niya. Iyon nga lang kapag naiisip ko ang bagay na 'yon, hindi pwedeng hindi ko maalala pa sina Kuya Alas, Anjo at Amara. Siguro'y mas malala pa ang pagkaulilang nararamdaman nila noon.
I always miss Amara but I'm not sure at all if I even deserve to miss her. She deserves so much better.
Napangiti na lang ako ng mapait bago ako napatingin sa aking social media account para makita man lang siya kahit sa social media lang. Hindi ko pinipilit ang sarili na mag-move on dahil alam ko na mahirap. Sinubukan ko na noon ngunit hindi ko rin nagawa.
Hindi rin ako naniniwala na lilipas din ang nararamdaman ko. Napakalalim nito para mapawi na lang basta.
Madalas na may post ito. Travelling to different countries and just her spending time in malls, salon and just in the city. Masaya na ako tuwing nakikita ko ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. She looks genuinely happy with her posts. She looks like a flower in bloom. Lalo pang gumanda. I am happy that she's slowly healing.
Maybe that's just it. Me admiring her from afar. I am already content with that. Just her being my inspiration.
I put down my phone. Pabalik na akong muli sa loob ng bahay nang mapatingin sa bakanteng bahay sa tabi ng bahay namin. Mukhang bumalik na ang dating nakatira roon. Ang alam ko'y nasa Canada na ang pamilya nila at ginagawa lang bakasiyunan ang dalawang palapag na bahay.
