Chapter 13
Geco's POV
"What nonsense are you saying, Kyla? Uuwi na ako." Kyla wants me to tell her blind date that she won't be able to attend dahil may biglaang meeting sa kanilang groupings.
"Please, Geco! Nakakahiya kasi! Malapit lang din naman kung nasaan ka! Saka gusto ko pang maka-date ulit!" sambit niya sa akin mula sa kabilang linya. Nagsalubong lang ang kilay ko bago napabuntonghininga.
"Please, Bestie... Bwisit kasing pag-aaral 'to, istorbo sa paglandi," reklamo niya pa sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mailing. Kyla is also studious, she's trying to balance it pero priority din talaga ang pag-aaral tulad ko. Wala akong nagawa kung hindi pagbigyan na rin ang kaniyang hiling.
I walk in the cafe next to where I am. Hinanap ko ang lalaking nakaitim na t-shirt at may suot na salamin daw. I immediately saw someone sitting sa bandang dulo ng cafe. I walk towards him. Nagsalubong nga lang ang kilay ko nang makita kung sino 'yon. It was Que.
"Hi, are you the one who's having a blind date with my friend?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Inihinto niya ang ginagawa bago tumingala para tignan ako. Kita ko ang pagkurba ng ngisi mula sa kaniyang mga labi kaya bahagyang nangunot ang noo ko.
"Oh, Amara's favorite to bother," aniya habang nakatingin sa akin. May ngisi pa sa kaniyang labi bago nangalumbaba. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko rito. Hindi ko alam kung bakit naiirita sa mukha nito. Siguro dahil naalala kung paano sila maghalikan ni Amara sa harap ko noon.
"Your blind date won't be able to attend. She wanted to apologize for wasting your time." Inalis niya ang suot na salamin. His features showed how good-looking he is. But he looks cocky. Of course, ito pa ba?
"Why don't you date me instead today then? So my time won't be wasted?" Inayos ko ang salamin ko bago nanatiling malamig ang tingin sa kaniya.
"I don't date asshats. I only relay the message of my friend."
He smirks because of what I said.
"But you are with Amara, hmm? Fascinating how Amara already build wall around you," natatawang saad niya kaya unti-unting nangunot ang noo ko. Hindi mapigilan ang mahinto dahil nabanggit ang pangalan ni Amara. Maybe that's also true. Hindi siguro ako ma-aattach sa kaniya ng ganito kung hindi.
May mapaglarong ngisi ang kaniyang labi ngunit hindi ko na pinatulan pa. Tinalikuran ko na siya dahilan kung bakit narinig ko ang malakas na halakhak niya.
Saka ko lang din napag-alaman na hindi rin naman pala siya ang lalaking kikitain dapat ni Kyla nang magkita kami kinabukasan.
"Talagang natiis mo ako? Hindi mo pinuntahan ang ka-blind date ko!"
"Sus, bakit kasi nakikipag-blind date pa, nandito naman ako," ani Terence na ngumisi pa kay Kyla. Dumalaw rito sa department namin para lang mang-asar sa kaibigan ko. Napangiwi si Kyla sa kaniya roon.
"Eww? Hindi kita type at mas gugustuhin ko na lang na tumandang mag-isa kaysa maka-date ka." Nag-angilan pa sila habang ako'y napapaisip.
"Huh? I met with guy in black t-shirt. May suot na salamin katulad ng sabi mo."
"The guy I'm supposed to meet said he waited for so long before he saw my message."
Nangunot tuloy ang noo ko. Right, bakit nga ba makikipag-blind date pa ang kumag na si Que kung kayang-kaya niyang kunin ang loob ng mga babaeng natitipuhan niya?
Naiiling na lang ako bago nagpatuloy sa aking trabaho. I am a student assistant in the library. Taga-print at pasa ng kung ano sa office o 'di naman kaya'y nag-oorganize ng ilang libro dito.