Chapter 15
Geco's POV
"Geco, pansin ko lang parang hindi na kayo close ni Amara ngayon?" sambit ni Terence na siyang napangisi pa habang nakatingin sa akin. Bagay nga talaga sila ni Kyla, pareho silang chismosa.
It's been a month and Amara and I are back to normal. We act like we don't see each other anymore.
Tuwing nagkakasalubong kami ni Amara sa bahay, parang wala kaming nakikita. Tinatrato lang na hangin ang isa't isa. Kahit nga rito sa school. Para ring lumawak ang buong school dahil hindi na namin halos makita ang isa't isa. Minsan na lang.
"Dati naman na silang ganiyan, sweetheart. Nagkasundo lang ng maging first year tayo." Nilingon ko si Kyla na lumingkis pa kay Terence. Sila rin pala ang magkakatuluyan, pinatagal pa sana nila para hindi ko gustuhing magpasaboy ng holy water sa mata at tainga ngayon.
Napairap ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nagpaalam na rin akong magtutungo sa court ng dating school kung nasaan sina Cerise ngayon. Coach asked us to play with their team. Wala na rin naman akong pasok at tapos na ang duty ko sa library kaya pumayag ako.
Gusto ko ring libangin ang utak. That's what I have been doing these days. I have been writing, studying and playing nonstop para lang maging abala ang utak ko at makalimutan ang nararamdaman ko kay Amara. 'Yon lang kapag bakante na naman ang utak, hindi ko na naman mapigilang isipin ang tungkol sa kaniya.
Malapit na rin kasi ang tournament ng mga senior high kaya gusto ni Coach ng maraming practice games para sa mga ito, sumang-ayon naman kami.
Agad akong binati ng mga juniors na nakakakilala sa amin. Hindi na ako naglalaro ng volleyball but I'm still enjoying playing it. Hindi naman ako ganoon kagaling but that's fine because I'm happy in what I am doing.
Mayamaya ay nagsimula na ang practice game. Hindi ko alam kung masiyado lang na-excite si Cerise or she's really trying to crushed the spirit of the ace of our team. Si Yuki. She's one of our junior years ago, she's really good kaya lang madalas na nawawala ang kumpiyansa sa sarili kapag ilang beses na naba-block ang mga attempt ace niya.
Pinanood ko lang sila habang naglalaro. I am enjoying it too dahil masiyadong mataas ang energy ng mga teammates ko noon. They are craving to play. Si Cerise na player ng kaniyang university parang laging gutom kapag nakatapak na sa court, handang manlamon ng mga kalaban niya.
"Is that all you can give?" tanong ni Rian na nakangisi habang nakatingin sa ibabg player. Sineseryoso ang bilin ni Coach to make the kids play harder.
"You'll represent the school with that skill?" Cerise asked this time, pinagtaasan pa ng kilay ang mga ito. Nailing ako. Ginagaya na naman nila ang sinasabi ng senior namin noon.
Kita ko ang paglunok ng ilan habang makikita naman ang eagerness ng ilan but of course some crush lalo na't parang ilang buwan lang na nag-training ang mga ito sa university pero halimaw na sa court.
Naiiling ako nang parang mga villain na humahalakhak pa ang mga ito. Nagpahinga lang kami sandali. I was drinking when I heard Yuki and Lea talk with each other.
"Can we really do this without the seniors? There will be a lot of monster rookies and great players from the other team. Should I really be an ace of the team?" paos na tanong ni Yuki kay Lea.
Napatitig ako sa kanilang dalawa. They look doubtful of their skill. I don't really like talking with others and giving some advice but I just can't stop myself.
"Do you like playing volleyball?" marahan kong tanong habang nakatingin sa kanila. Pareho silang napatingin sa akin. When we were in a team, halos madalang ko silang makausap. Kapag katapos ng training noon, umuuwi agad ako. Mababakasan ba ng gulat ang mga mata nila nang mapatingin sa akin.
