Chapter 29

294 13 1
                                    

Chapter 29

Geco's POV

"Magandang araw po, Mga Sir," sambit ni Tatay habang nakatingin sa mga kapatid ni Amara. I can see their indifference while looking at my family. Napangiti na lang ako nang mapait. Hindi ko sila masisi pagdating doon.

Ang tagal din na nanahimik ni Nanay at pinagsamantalahan niya pa ang kaniyang nalalaman.

"Tuloy po kayo..." ani Tatay na inanyayahan silang pumasok sa loob. Anjo looks like he doesn't want to enter our house anymore. Si Kuya Alas ay nanatili lang na nakatayo sa harap namin ni Amara.

But then they look at Amara who's looking at them. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Kuya Alas. I know that they are good people but I know how hurt they are too.

"Hindi na po. Nandito lang kami para kausapin ang nakababatang kapatid," saad ni Kuya sa pormal na tinig.

"Ah, ganoon ba? Amara, Hija, mabuti pa't kausapin mo na muna ang mga kapatid mo. Kami ng bahala rito. Baka kapag natapos kayo'y luto na ang mga ihaw," ani Tatay na ngumiti sa mga ito kahit na alam kong pansin niya ang pag-iba ng atmospera pagdating kay Anjo na sobrang friendly noon, ganoon din sa bigat ng titig ni Kuya Alas na ngayon lang bumisita rito.

"Sige po, Tito," ani Amara bago niya binalingan ng tingin ang mga kapatid na wari'y nagbabanta pa. Narinig ko pa ang bulong ni Anjo.

"Plastik kang maldita ka."

Plastik siyang ngumiti kay Anjo habang palabas sila. I busied myself with grilling the fish. Napansin ko ang tingin sa akin ni George at Tatay kaya pinagtaasan ko silang dalawa ng kilay.

"Stop staring at me, the two of you."

"Ayos ka lang ba, Ate? Bakit daw nandito sila? Kukunin ka rin katulad ng ginawa kay Nanay?" tanong niya sa akin. I can see the pain from his eyes. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa kaniyang tanong. George is just silent but I know that he already understand everything and I felt bad na kung kailan niya rin naranasang magkaroon ng ina na narito sa bahay saka nakulong si Nanay.

Now that I look at him, he just really grows taller but he's still our baby.

"They won't, George... Halika nga rito..." sambit ko sa kaniya bago ko siya niyakap nang mahigpit. Nakangiti lang nang malungkot si Tatay habang nakatingin sa amin.

Dumating sina Amara at ang kaniyang mga kapatid na nakasimangot silang tatlo. But Amara immediately smiled when she saw us.

"Luto na po?" nakangiti niyang tanong.

"Oo, Hija. Hali na kayo't kumain na muna tayo—"

"Ayos lang po! Hindi po sila gutom! Kumain po sila sa eroplano! At puwede rin po silang kumain sa ibang kainan dito. Huwag niyo po silang intindihin." She smile but I can see her rolling her eyes at her brothers who look amuse at her straight tagalog.

"Right. Hindi na kami magtatagal. We'll just wait for Amara to finish eating and we'll finally go back to Manila." Kuya look at Amara and me. I remain staring at Amara. I guess a proper parting way will finally happen now.

"Oh, uuwi ka na, Hija?" tanong ni Tatay kay Amara na siyang ngumiti bago tumango.

"Opo pero babalik din po ako agad. May aasikasuhin lang sa amin and our little break is done so I need to attend school." Ngumiti siya kay Tatay bago niya ako nilingon. "Babalik ako."

When she left, kahit hindi ko gusto, talagang naghintay rin ako sa pagbalik niya. Ni hindi siya nagpo-post sa kaniyang account ngayon kaya wala akong kahit anong balita sa kaniya. I waited for weekend to come and waited for her. Talagang iba ang ginagawa ng katawan sa gusto ng utak ko.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon