Chapter 27
Geco's POV
"Geco, may boyfriend ba 'yong kapitbahay ninyo?" tanong sa akin ng isa sa mga mangingisda na kasama nina Tatay. Inayos ko ang aking salamin dahil sa tanong nito. Kahit saan talaga magpunta si Amara'y tila isang diwatang nakakaakit ng kahit na sino.
"Huwag ka na roon, Jimboy! Type nga rin 'yon ni Buboy. Tignan mo, dinalhan na niya ng mga alimasag." Napatingin ako sa isa pang kasamahan nina Tatay na nagtungo nga kay Amara na siyang gumuguhit sa duyan malapit sa dalampasigan.
Pinanood ko siyang sumubok na dumiskarte kay Amara. Isang ngiti ang pinakawalan ni Amara sa kaniya bago tinanggap 'yon. Napaiwas na lang ako ng tingin at tumulong sa paghihiwalay ng mga bawat huli na dadalhin sa palengke.
"Sus, alimasag lang pala. Ito, 'Nak, king crab, ibigay mo kay Amara," ani Tatay na siniko pa ako dahil seryoso na sa ginagawa.
"Tatay..." tawag ko sa kaniya. Hindi ko sigurado kung alam niyang gusto ko pa rin si Amara dahil hindi ko naman nasasabi.
It's just her second day here pero ang dami na agad gustong pumorma. Hindi naman kasi maipagkakaila ang ganda nito.
Napatingin akong muli sa kaniya, nasa gawi na namin ang tingin nito. Tumayo siya sa duyan at talagang lumapit pa sa amin. Ang ilang matatandang babaeng kasama namin ay inaasar pa ang mga anak na may gusto raw sa kaniya.
"Magandang araw, Hija! Gusto mo ba ng isda?" tanong sa kaniya ng isa sa mga kasamahan ni Tatay.
"Magkano po?" Ngumiti pa siya sa mga ito. Para siyang may dalang liwanag. Kumikinang ang kutis niya.
"Huwag ka nang bumili, Hija. Sa amin ka na lang ulit kumain," sambit ni Tatay.
"Panira ka naman ng diskarte, Andres." Natawa na lang nang mahina si Tatay. Sa kaniya ang huling halakhak dahil sumang-ayon si Amara.
"Ayos lang po?"
"Oo naman, importante ka kay Geco kaya ayos na ayos!" ani Tatay na mukhang walang pakialam sa sasabihin ng mga kapitbahay. Napatingin ako sa kaniya habang namumula na ang mukha. Ano ba naman itong si Tatay, ang hilig mang-asar?
I saw the small smile on Amara's face because of that. Nang magkasalubong ang mata namin ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Nakihalubilo siya sa mga kapitbahay namin habang ang mga nagkakagusto rito'y hindi magkandaugagang kunin ang kaniyang loob.
"Hanggang kailan ka rito, Ms. Amara?" Napatingin ako kay Amara nang tanungin siya ng isa sa mga kapitbahay namin. Nilingon niya ako.
"Hanggang kailan tayo rito, Georgina?" Balik niyang tanong sa akin. Napakunot ang noo ko sa kaniya roon.
"Huh? Si Ate? Dito na si Ate nang matagal na matagal," ani George na naguguluhang napatingin sa akin.
"Matagal na matagal daw po."
Isinawalang bahala na nila ang sagot nito habang ako'y nanatili ang titig sa kaniya. What is she doing?
Hindi naman ako bobo pero parang pumupurol lagi ang utak ko kapag dating sa kaniya. Hindi siya maintindihan madalas.
I went to the beach afterwards to sell some of the product that our family have. Isa sa mga schoolmates ko ang lumapit sa akin para bumili ng bangus na tinda. Suki ito rito. Tuwing umaga ata'y nagtutungo sa dagat para lang bumili ng isda. Kilala itong anak ng isang mayamang negosyante.
"Thank you, Geco..." Napahawak pa siya sa kaniyang buhok while smiling boyishly in front of me. Sinuklian ko na siya. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha dahil ata sa init ng panahon. Napasunod ako ng tingin sa kaniya nang naglakad siya patungo sa mga kaibigan madalas na kasamang tumambay rito. Mukhang nagja-jogging at madalas na nauutusan na bumili ng pang-ulam.