Chapter 9

52 1 0
                                    

Chapter 9

Geco's POV

Lahat ata'y kinaiinisan ko ngayon. Salubong ang kilay ko habang nasa harap ng van at naririnig kung paano landiin ng isang lalaking volunteer si Amara. Kaya lang ata sumama para sa kaniya.

Puwede ba 'yang ihulog sa bintana?

Sinubukan ko na lang na pakalmahin ang sarili. My eyes went to Vielo next to me. He's talking to Yuta. Ang supladong si Vielo, parang nagiging aso kapag kaharap na si Yuta. Tila kumakawag pa ang buntot tuwing nakatingin dito.

I am just shipping them together kaya siguro binibigyan ko ng kahulugan ang ginagawa ng mga ito but I saw how Vielo tried to put a board so Yuta will be comfortable. My lips curved for a smile.

Kalaunan ay nakarating na rin kami sa school ng mga bata. Sa unang bahagi ng programa, lahat ng mga bata'y nasa iisang lugar lang para i-discuss kung anong mangyayari at para sa mga ice breaker lang pero later on, we have different classes to teach how to read in different levels. Kapag katapos niyon ay mayroon ding after activities. Like drawing, singing, dancing and sports.

Puwedeng mamili ang mga estudyante lalo na't marami namang volunteers ngayon.

Habang nag-aayos kami ng lugar, napunta sa gawi ni Amara ang mga mata ko. She looks like a doll kaya gusto siya ng mga bata. Bahagya akong napangiti when I saw one kid getting amuse while looking at the ribbon on her hair.

Nang magkasalubong ang mata namin, agad napawi ang ngiti mula sa mga labi ko. Bakit ako ngumingiti? Eh iritado ako sa isang 'yan? Pakialam ko kung mukha siyang manika at sobrang bango niya pa?

Kumukulo na naman ang dugo ko dahil ang mga lalaki niya'y parang mga tangang nakabuntot sa kaniya. They even play with the kids she's entertaining. Ano naman nga sa akin?

Nagsimula rin ang event kalaunan. Kahit paano'y napawi ang inis ko at nalibang habang kausap ang mga bata.

"The kids don't like you," ani Vielo sa akin when one of the kids just stared at me. Tiningala ko siya bago umiling.

"They like me. They just probably had a hard time showing that they like me too," sambit ko kaya napangisi siya bago napakibit ng balikat.

Nagsimula na rin kaming magturo sa mga bata.

"Okay, sabi mo, eh." Napataas ang kilay ko sa kaniya. He looks like he is not teasing at all. Mukhang napasang-ayon lang talaga agad. My eyes stare at him for a while rason kung bakit binalingan niya ako ng tingin. He smile at me habang nanatili lang ang titig ko.

Bahagya nga lang akong nahinto sa pagtitig sa kaniya nang mapabaling ang mga mata ko kay Amara na hinahabol ng mga bata. She chuckled a little but I can already see the annoyance on her eyes dahil bahagyang nagugulo ang kaniyang buhok. Kasalanan niya 'yan, ayaw niya pala, sumama-sama pa siya. Edi sana'y hindi ako iritadong nakikita ang mga lalaki niyang parang buntot niya.

At bakit ka nga ba naiirita, Georgina?

I rolled my eyes at her kaya mas lalo lang dumiin ang titig niya sa akin.

Mabuti na lang din ay cute ang mga bata, kahit paano'y humuhupa ang inis ko. While teaching them how to read, I can see two boys holding her fan as she help the kids.

"Ano ba 'yan? Volunteer o mga alipin?" inis kong tanong kay Terence na siyang napatingin din sa mga lalaking tumatawa habang nakikituro pero halatang hinaharot lang din si Amara. Minsan ay dumidikit pa ang mga balat nito sa kaniya.

Napahalakhak si Terence habang naiiling.

"Ayos lang 'yan, dagdag manpower din. Mukhang kahit paano'y nakakapagturo rin naman," aniya kaya iniwas ko na ang tingin doon. Right. Bakit ba kasi ako naiinis? Maybe because it is almost time of the month. Isipin ko na lang siguro na iyon ang dahilan.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon