Chapter 20
Geco's POV
Napataas ang kilay ko kay Amara nang makita ang paninitig niya sa aking dalawa ni Bry habang nag-uusap. Hindi siya iritado o ano. Nanonood lang talaga.
Bry and I are still friends and he sometimes come here in the library to read. Laging nandito si Amara, doing some of her stuffs. She is just watching right now. Hindi galit o ano. Sometimes I can't help but think that maybe her feelings downgraded dahil noon lagi itong umaarteng parang bata kapag nakikita akong may kasamang iba.
"I'll go now, Geco. You look distracted," Bry said before he smiles at me. Ngumiti rin ako nang tipid sa kaniya bago ako bumalik sa aking ginagawa. Amara also went back on what she's doing. She just waited for me to finish my work.
Minsan-minsan siyang dinadaanan ng kaniyang mga kaibigan ngunit madalas ay umaalis din ang mga ito agad.
"Bestfriend mo, tulog na," sambit ng student assistant dito sa library. Tinuro niya si Amara ilang oras ang lumipas. Ako ko ayos lang sa akin that people think we are best friends but now, not anymore. I want to be with her. I want to be labeled as hers but then I can't say what the real score is between the two of us because we are also keeping it a secret for now. We still want to enjoy dating each other without the noise.
Hindi pa rin namin magawang maamin sa mga magulang naming dalawa. Parehong takot na hindi na makita pa ang isa't isa but these days there's just an urge to let the world finally know about the two of us.
Napatitig ako sa kaniya nang makita ko siyang naidlip na sa upuan nang matapos na ang kaniyang plate. I went to her to put the jacket I was wearing on her shoulder before continuing my work.
Nang matapos, nakita kong gising na siya, may ngiti pa sa labi habang humihikab. Grabeng mukha 'yan kayang pabagalin ang mundo ko ng ganoon-ganoon lang. Kahit ata anong anggulo, ang ganda nito.
"Tapos na ako..." She is just watching me, nangalumbaba pa habang yakap ang sarili. Neverminding if the jacket doesn't suit her taste. She always says my clothes are tacky but likes wearing them anyways. Sa tuwing tinitignan ako nito'y nakakalimutan ko kung paano gumalaw.
"Alright. Let's go now?" she asked, smiling at me. Tumango ako bago hinawakan ang kamay niya. Napatingin ang ilan sa amin habang palabas kami ng library, Amara smile at them.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil kitang-kita na naman ang tingin nila rito. They really admire her. Well, my girlfriend is gorgeous. Hindi nakakapagtaka.
Hindi niya na binitawan ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng building. Nahinto nga lang ako nang tumigil siya sa paglalakad bago siya naupo sa tapat ko.
"Amara, what are you doing?" She was already tying my shoes. Ang ganda pa naman ng suot niyang dress para lang magtali ng sintas ng kung sino. But the girl doesn't mind at all. May ngiti pa sa kaniyang labi habang ginagawa 'yon.
"Just tying my girlfriend's shoelace." Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Her smile were genuine habang nakatingala sa akin. Napatikhim lang ako dahil may mga napasulyap pang estudyante sa amin. Some of them are even looking at me weirdly na wari ba'y inaalila ko si Amara.
"Thank you. Let's just go..." nahihiya kong sambit. Pulang-pula na ang mukha habang hindi na rin makalma pa ang sarili. I wet my lips before clearing my throat. Parang natutuyuan ako ng laway dahil sa kaniya.
She smile bago niya hinuli ang kamay ko at sabay kaming naglakad muli. May mga napapatingin sa amin but I felt like they don't really see us together. As if they just knew that we are friends and that always makes my system upset.