Chapter 12

59 2 0
                                    

Chapter 12

Geco's POV

"Hi, Geco." Napatingala ako sa bumabati. Some guys who are familiar. Blockmates ko ata. I nodded before I walked to the cafeteria with Kyla who immediately squinted her eyes at me.

"Geco, talaga bang balak mong tumandang dalaga? Wala ka man lang bang natitipuhan sa mga nagpaparamdam sa 'yo?"

We are already in college but Kyla and I are still blockmates. It's nice that the two of us are adjusting here while still being together. 

"Mayroon ba?" I asked while reviewing my notes. We have a quiz on our next subject. I don't want to forget all the things I studied.

"Marami, Ate! Grabe! Kahit nga sa tourism department plakado 'yang ganda mo. People are even adding the only social media account that you have pero inaamag na wala pa rin daw!"

Napailing ako dahil hindi ko gaanong pansin. I usually just use my laptop and phone in updating my novel that was posted online. And also for someone's message and just for the purpose of seeing her post. Amara is active online. Ang ganda niya lagi sa mga kuha niyang litrato. 

I saw Amara's text.

Amara Audrey Anastasia:

Hi, Pretty🎀 Where are you?✨

Hindi ko mapigilan ang mapanguso dahil hanggang dito'y tila naaamoy ko ang mabangong halimuyak niya. 

Georgina Consuelo Dante:

On my way to the cafeteria.

"Aba, sino 'yang ka-text mo, huh? Ni hindi ka marunong mag-reply kahit kanino! May natitipuhan ka na? Sino?" Kyla looks excited while looking at me.

Hindi ko pinansin ang pangungulit niya at dire-diretso lang na naglakad.

Amara did took engineering. Ayaw pumayag ni Governor and told her he won't support her financial needs. Matigas si Amara kaya pinanindigan ang gusto. She have her own savings too kaya kaya niya rin talagang pag-aralin ang sarili kahit hanggang makatapos ng kolehiyo. Galit ang Daddy niya sa kaniyang desisyon but in the end he can't really do anything about it lalo na't suportado rin ni Kuya Alas ang gusto niya pero hindi rin libre. 

Now, Amara is working at her brother's bar. She's doing some bartender work there. Kuya Alas just really spoils her a lot but also wants her to learn and work for it. 

Kahit si Anjo ay handang ibigay ang allowance para suportahan siya sa gusto. Mga handang suwayin ang kanilang ama. 

Nilabas ko ang baon ko nang maupo kami sa isang vacant seat ni Kyla. Nagtatanungan na tungkol sa quiz nang parehong mapatingin sa pinto ng cafeteria. Napuno ng ingay ang entrance.

Unang-unang nakita ng mga mata ko si Amara na eleganteng naglalakad papasok. She's wearing a ruffle pink blouse at flared maong pants, naka-heels din siya na pink habang ang kaniyang kulot na buhok ay may mga ribbon na kukay pink din. Her jewelry makes her looks expensive as well. Kumikinang din ang mukha sa kaniyang make up. Ano bang face card 'yan? Nananampal?

Agaw atensiyon siya kahit na naglalakad lang. Idagdag mo pa ang mga engineering student na nasa likod niya. Those boys likes her. I'm sure of it. The way they look at her scream how they want her for themselves.

Wala naman akong pakialam madalas pero naiirita lang din talaga siguro ako ngayon.

Agad din akong nahanap ng kaniyang mga mata. Her lips snapped for a smile before she look for a sit. Napataas ang kilay ko nang agad na tumayo ang tatlong lalaki na malapit sa amin para lang paupuin siya.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon