Chapter 30

324 14 1
                                    

Chapter 30

Geco's POV

Since the day Amara and I attended Nathan's party para na lang kaming nakikipaglaro sa isa't isa.

Hindi ko alam kung napapaninidigan ko pa ba ang hiwalayang gustong mangyari lalo na't sobrang tigas din talaga ng ulo ni Amara. Of course that's Amara Anastasia who doesn't stop unless she gets what she wants.

"See you again next time, Geco." Ngumiti sa akin si Nathan nang ihatid niya ako sa bahay. He got to know about me and Amara. He become a friend. Wala naman siyang pinagsabihan sa kung anumang narinig mula sa amin. He got shock pero tila wala na lang din 'yon kalaunan. Tila ba normal lang.

Parties here doesn't just happen once, nagkaroon ulit ng susunod na party na dinaluhan ko para lang hindi makita si Amara tuwing weekend kung kailan siya nandito at tuluyan na rin siyang mapagod but she didn't, she still keeps on coming back. Kahit na lagi siyang nahihilo sa byahe, patuloy pa rin siyang nagtutungo rito. That's when I realize na kung matigas ako, she's also the same. She will remain unfazed.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa kaniya.

Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib nang makita ko siyang nakaupo sa duyan sa tapat ng bahay habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Nakapatong pa ang kumot na puti sa magkabilang braso niya habang yakap-yakap niya 'yon.

"Sana roon ka na natulog. Nahiya ka pa." Bakas ang iritasiyon sa kaniyang tinig habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin. But her eyes are telling me otherwise.

She didn't use her privilege to go to the party at Nathan's cousin's house, but she usually does. Even when she's rude, everyone still does her bidding. They are fools when it comes to her face.

Galing talaga sa 'yo, Georgina? E isa ka rin naman sa mga taong ginagawa ang gusto nito.

"Sana umuwi ka na rin. Hindi ka na sana naghintay pa rito," sambit ko habang tinitignan siyang giniginaw habang matalim ang tingin sa akin.

"Umuwi ka na." Tatalikuran ko na sana siya ngunit agad siyang napahawak sa laylayan ng aking damit.

"Stay with me for a while... I miss you..." At sino bang kalaban ko? Ang sarili rin. Miss na miss ko rin. Sino bang nagsabing gusto kong magtungo sa mga party na iyon? Ang totoo'y mas gugustuhing manatili sa bahay spending time seeing Amara.

"Amara... matulog ka na sa inyo... You've travel so far..." Halos ilang buwan niya ng ginagawa na tuwing sabado't linggo'y nandito siya. She's even doing her school stuffs here. Minsan ay naayaya niya pa ang mga mayayamang kaklase na rito na lang gumawa ng project. Sagot niya ang lahat ng expenses nila. They also like to travel kaya sumasang-ayon.

Binitawan niya ang kamay ko but I realize that she's already sleeping. Mukhang kanina pa inaantok, sadyang hinihintay lang talaga ang pag-uwi ko. I sighed before I held her para papasukin sa bahay namin. Hindi naman na bago na rito siya natutulog o ano. Talagang hipokrita ako dahil sa kwarto ko pa dinala.

Nang maayos ko siya sa kwarto, lumabas ako para magpahangin. Nakita ako ni Tatay kaya nginitian niya ako bago tinabihan.

"Hindi ko alam kung anong dahilan bakit mo pinipigilan pa ang sarili na tanggaping muli si Amara sa buhay mo, Hija. Gayong kitang-kita naman kung gaano mo pa rin ito kagusto..." ani Tatay habang nakatingin sa akin. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako ngumiti nang mapait.

"Alam ko lang na hindi siya para sa akin, Tatay... Seeing her coming back here made me realize that Amara is too pure for someone like me..." mahinang sambit ko habang pinaglalaruan ang aking mga kamay.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon