Chapter 22
Geco's POV
"Aba naman, hindi ko alam na nakakuha na pala si Amara ng bagong alalay?" ani Kyla habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.
Napailing ako sa kaniya roon. Hindi ko pinansin ang pang-aasar mula sa kaniyang tinig.
Mayroon kasing fundraising event na sinalihan si Amara. She's putting some of her artworks for auctions. Lahat ng malilikom na pera ng event, mapupunta sa charity.
"Aminin mo nga sa akin, Geco, anong ganap at bakit parang nagpapaalila ka riyan kay Amara?" tanong ni Kyla nang makitang nagmamadali ako para magtungo sa event. May paperbag pang dala na punong-puno ng snacks.
Maski si Terence ay nakikiusisa sa aming dalawa.
"Ako na lang sana. Kaya ko ring magpaalila basta ganoon kaganda." Agad nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Humalakhak pa ito kaya lalo lang akong napasimangot.
"I mean hindi ka naman ganiyan dati. Kahit buong klase na ata ang magsilbi kay Amara, you'll never do so," aniya pa kaya nailing na lang ako.
"Are you being bullied or something?" tanong niya habang may pag-aalala sa mukha. Hindi ko mapigilan ang matawa nang mahina. Hinahaplos pa ni Terence ang kaniyang buhok habang nag-aalala rin akong tinitignan.
"No."
"Then what? Sa sobrang dikit niyo these past months, iisipin ko pinagpalit mo na ako billang bestfriend but then the two of you looks at each other differently. Hindi naman siguro kayo, 'no? A strong independent woman and someone who have a lot of people she can depend on won't be--"
"Amara and I are together." It's been few months already pero ngayon lang niya naisipang mang-usisa. Agad na napaahon si Kyla sa pagkakahiga kay Terence habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin ngayon. Maski si Terence ay nahinto sa paghaplos ng buhok ng kaniyang nobya.
"Ah, so you are just together kaya pala—Together?" Kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin ngayon.
"You and Amara are together?" tanong ni Terence habang bakas na bakas pa rin ang gulat mula sa mga mata.
"Yes. She's my girlfriend. I don't think there's something wrong in pleasing your girlfriend, right?" I said. Sa mga magulang lang naman namin tinatago ang tungkol sa aming dalawa but I'll never deny it if someone ask.
"I know you are not the type to tell stories but Ate ko? Pinagloloko mo ba ako?"
"Am I the type to joke around? Aalis na ako. My girlfriend is already waiting for me." Now that they know, maybe it won't be too bad to flex my girlfriend, right? Natulala lang sila sa akin at hindi nakapagsalita. Nakalabas na ako, saka lang sila natauhan.
"Wait! Teka lang! Grabe naman, Georgina Consuelo, you'll leave after dropping a bomb? Omg! Congrats! Dalaga ka na nga talaga!" malakas niyang sigaw habang nasa labas na ako.
"Hah! Kaya pala noong sinasabi kong liligawan ko si Amara, lagi kang nakakontra–"
"What? Lilligawan? Edi sa kaniya ka na!"
Naririnig ko pa ang pagtatalo nila kaya napatawa na lang ako nang mahina. My circle is so small, but I knew they are not just there for quantity.
Ramdam ko ang gaan sa aking dibdib. I even receive a text from kyla while going to the event. Just a whole essay how happy she is that I told her about me and Amara pero syempre may kasama pa ring rant tungkol sa boyfriend niya at sa hindi ko pagsasabi agad. Kusa na lang akong napangiti habang patungo sa event place kung nasaan ang girlfriend ko.
