Chapter 4

62 1 0
                                    

Chapter 4

Geco's POV

I watched her walk inside the cafeteria. Nangingibabaw ang ganda niya. She keeps on greeting people dahil panay din ang bati sa kaniya. Umaalon ang kulot-kulot niyang buhok na maraming ribbon. She has that angelic smile on her face.

Pati ang kasama kong si Terence ay napatingin din sa kaniya.

"Amara is really beautiful. Puwede na bang ligawan ulit? Wala na naman atang boyfriend?" tanong ni Terence sa akin nang mapansin akong napatingin sa gawi ni Amara.

Napakibit ako ng balikat. Mataas ang standard ni Amara. Kahit na marami ang manliligaw, mga elite lang talaga ang nagiging nobyo nito.

I shrugged and focused on what I'm eating. Minamadali na nga ako nitong si Terence dahil pupunta kami sa office ngayon kung saan nanatili ang mga member ng editorial team.

"You bitch!" malakas na sigaw ng isang babae na sumugod sa malaking grupo ng mga kaibigan ni Amara. Amara's friend group is big at siya lagi ang center of attention doon dahil nga maganda.

Bahagyang nagulat ang mga nanonood. Sumubo lang ako sa aking pagkain habang nakikinood din.

Si Glaiza ang sinugod nito pero ang mata ko'y nakatingin sa reaksiyon ni Amara na awang ang labi. Nakalimutan ng uminom sa vanilla drink niya.

"Malandi ka! Ikaw ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ng boyfriend ko! I saw your chats together!" galit na galit na saad ng babae na mukhang highschool pa ata. Napahawak ako sa aking sentido.

I don't get it. Why would you lower yourself for a mere boy who still looks at someone else even if he already has you? Just drop him and look for someone else. Ang daming lalaki sa mundo.

Akala ko pa naman ay away na may sense ito. 

Amara looks bored while staring at them. Her fox eyes are getting annoyed once again. Napangiwi si Glaiza bago agad na tinanggi ang akusasiyon.

"Who the fuck is your boyfriend? I don't even know who."

Nakatanggap ng sampal si Glaiza mula sa babae.

"You don't know who but you slept with him? What a fucking slut! Tandaan mo pangkama ka lang, ako pa rin ang uuwian," aniya pa. Inayos ko ang salamin ko bago nailing.

Natawa naman si Terence na nakikinig.

"Should we also write about this?" natatawa niyang tanong sa akin, obviously enjoying this kind of fight. I shook my head before I stood up. What a petty fight. I can't believe she still wants him to come back to him kung niloko na siya.

"Oh, poor you, Sweetie. If I were you, I wouldn't fight for some mere boys. Kung gusto mo'y itali mo, 'yong hindi na makakalinga sa iba. Walk him like he's your pet, not let him walk you like one. You are supposed to be the one holding the leash. Don't fill his ego by fighting with another woman. And really? Do you still want him? Drop him, Babe. I'll find you a hot one, 'yong hindi magloloko." I heard Amara's soft voice, trying to comfort the girl.

She can easily drop people she does not like. She'll surely do that to Glaiza if she got to know that she really did fuck with someone else's boyfriend.

I mean maldita lang siya pero she has a good heart too.

Terence and I went to the office. Hindi na pinatapos pa ang kumosiyon kahit na mukhang gusto pa sanang manood nitong si Terence.

"Sayang. Akala ko'y may sabunutang magaganap."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"They are not your entertainment, Tyrone." I rolled my eyes at him. Tumawa siya bago ngumisi.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon