Chapter 21

47 1 0
                                    

Chapter 21

Geco's POV

"Are my clothes cute?" tanong ni Amara sa akin bago siya umikot. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya.

"Pangit. Pati mukha," ani Anjo na pinasadahan lang siya ng tingin panandalian bago nagpatuloy sa pagtawag sa girlfriend niya. Kinutusan siya ni Amara dahil doon.

"Not just your clothes," I said, staring at her from head to toe. Kita ko ang unti-unting pamumula ng kaniyang mukha bago niya ako tinulak nang mahina.

"Para kang sira! I know I'm pretty too!" reklamo niya bago naunang maglakad papasok sa airport. We are going to Cebu. Sa bahay. I am going to visit my father and brother. Inaya ko si Amara na sumama sa akin. Nahihiya pa ito noong una but she agrees to come with me. She keeps on asking kung ano ba ang susuotin niya, kung anong dadalhin at kung magugustuhan ba siya ng pamilya ko.

Wala pa kami sa sitwasiyon na ipakikilala ko ito bilang nobya ko but if my father asks, hindi ko kailanman itatanggi.

Alam ni Nanay na kasama ko sina Amara at Anjo na magtutungo sa bahay. Binilinan niya na agad ang Tatay na maging maganda ang trato sa kanilang dalawa. Wala si Governor ngayon kaya kay Kuya Alas lang sila nagpaalam. Wala dapat kaming balak isama si Anjo but that guy insisted para rin daw cover up sa aming dalawa. He knows about us and keeps on third wheeling dahil madalas nalilibre.

Maraming trabaho sa opisina niya si Governor ngayon kaya halos hindi na umuwi sa bahay nila. Nalalapit na rin ang eleksiyon kaya naghahanda na rin siya. Kahit naman mahigpit siya sa anak, hindi maitatanggi na magaling siya bilang isang lider.

"You won't be maarte at Geco's house," ani Amara kay Anjo na napangisi sa tinuran sa kaniya ng kapatid.

"Kung may maarte man, it's you. For sure Geco's family won't like you. The way you talk will already annoy them." Nagbabangayan na naman sila. Kaya dapat laging may pagkain ang bunganga ng mga ito.

"What? Bawiin mo 'yon! Isuka mo nga 'yang kinakain mo! If you jinx it, I swear!" Matalim ang mga mata ni Amara habang nakatingin kay Anjo. Naiiling na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Do you think they wouldn't like me?" tanong ni Amara na nilingon ako matapos niyang makipag-away kay Anjo. See? Ito naman kasing si Anjo, kung ano-anong pinagsasabi sa kapatid. He won't even help when her sister is already overthinking about it.

"They will. You are not hard to love." Agad na naningkit ang mata niya roon.

"Liar! It took you years before you finally like me," aniya kaya napatawa ako nang mahina.

"I like you. Hindi ko lang alam." She pouted and looked nervous while looking at the window now. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya, she really looks so small and adorable in my eyes. Ganito pala talaga kapag gusto mo 'yong tao, lahat ng bagay tila gumaganda rito.

"Don't worry anymore... Kahit hindi ka nila magustuhan, gusto naman kita," I said, assuring her. Kita ko agad ang paglukot ng mukha niya.

"Sure, sure, I close my eyes," ani Anjo na nasa kabilang aisle pero narinig pa rin ang usapan namin.

"So you also think that they won't like me?" tanong ni Amara na nag-iisip ng malalim. Her eyes drop on her cold hands.

"Earth to Amara who doesn't care about people's opinions." I smirked at her while she just rolled her eyes at me.

"Of course, I care? That's your family!" Kumurba ang ngiti sa aking labi roon. My heart melted with the thought that my family's opinion was really important to her.

Kalaunan ay nakarating na rin kami sa amin. Natulog lang si Anjo buong byahe habang kami ni Amara ay nagkwentuhan lang. She feels so restless. Naka-notes pa pati ang gusto ng pamilya ko. Ni hindi nga ito nagno-nots sa school noon.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon