Chapter 26

43 3 0
                                    

Chapter 26

Geco's POV

Of course, I did.

Natameme nga lang ako at hindi nakapagsalita agad. Kita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay bago niya sinimulang paandarin ang kaniyang kotse. Tila ba may nakabara sa lalamunan ko nang tignan ang daan. Kahit na ang vanilla niyang amoy tila ba hinahanap-hanap ng pang-amoy ko.

"Kumusta sina Kuya at Anjo?" tanong ko na wala naman talagang balak na bumuo ng diskusiyon kasama siya ngunit hindi ko na napigilan pa dahil para kaming lalamunin ng katahimikan. Gayong hindi naman kami dati ganito, kahit katahimikan noon ay komportable kami. Ang hindi lang siguro nag-iba'y ang pagbagal ng tibok ng puso ko tuwing kasama siya.

"They are fine." Mas marahan pa sa normal na tinig niya. Or maybe I have forgetten about her voice na mas marahan na ang tinig nito ngayon para sa akin.

Hindi ko alam kung paano kami nagtagal na dalawa sa katahimikan hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa palengke.

"Do you just want to stay here?"

"I will go inside the market," she said habang hawak-hawak ang fan niya na wari iyon ang pinaka-essential na dapat dalhin. Napailing na lang ako bago bumaba sa kotse niya at hinintay siya. Habang naghihintay, may ilang kaklase ako sa aking department na nakita. Maliit lang ang bayan kaya hindi nakakapagtaka.

"Uy, Si Ate Geco!"

Ngumiti ako sa ilan habang bumabati ang mga ito. I came back as first year student kaya mas bata ang ilang kaklase sa akin. Although some of my classmates as well are also older. Patigil-tigil sa pag-aaral dahil sa mga personal na dahilan. Hindi na rin 'yon bago sa college. When you get older, you won't care anymore how long will it take you to get there. As long as you are trying again. As long as there's a progress. I'm pretty sure hard work will pay off. It always does. Maybe sometimes not on the things that you are expecting but it will. Just do things at your own pace.

"Papunta kami sa bahay nina Margaret. Inaaya ka namin sa GC, hindi mo ata nakita." anila sa akin. Ngumiti ako at tumango. Nawala lang ang atensiyon ko sa kanila nang makita si Amara na siyang diretso ang tingin sa mga estudyanteng kumakausap sa akin.

Ngumiti siya sa mga kausap ko. She looks at me and raise brow as if urging me to introduce her. Bahagya akong napatikhim.

"Ah, si Amara," ani ko na ngumiti ng tipid sa mga ito. Nang tignan ko si Amara. Her eyes are already glaring. But her lips are smiling more than usual.

"Hello po..." Nahihiyang sambit ng ilang kaklase. Napaayos ako ng salamin. See? Ang dali niya lang makuha ang atensiyon ng mga ito. Some of them are intimidated with her hyper feminine look. She's too pretty. Para bang kayang bulagin ang mata mo sa kinang.

"Hi, Amara." Isa-isa pa siyang nakipagkamay habang sinusubukang ngumiti sa bawat isa sa kanila. Subalit kita kong nagtatagal ang tingin niya sa mga ito tila ba kinikilatis ang mga ito.

"Next time na lang. Una na kami. We still need to buy a lot of stuff..." sambit ko sa malamig na tinig. Nagpaalam sila ngunit ang mga tingin ay na kay Amara.

"Sige, Geco! Ligo tayo sa ilog next time!" anila kaya ngumiti lang ako at tumango. I look at Amara who was staring at me nang magsimula kaming maglakad papasok sa supermarket.

"You are close with them?" kaswal na tanong niya sa akin. Napatango ako sa kaniya roon. Almost everyone there are good talker. Although I'm not generalizing it. It's just that there's a lot of people who you can easily communicate with. Minsan nga lang, ako na mismo ang sumusuko sa energy nila.

Napatingin ako sa heels ni Amara na tuloy-tuloy niya lang na nilalakad patungo sa loob. Medyo maputik dahil umulan. I held her hands rason kung bakit siya napatingin sa akin.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon