Chapter 33
Geco's POV
"Let's dance, please," Amara requested when she went back to our table. Sinong makakatanggi sa kaniya gayong ginamitan niya na ako ng kaniyang nangungusap na mga mata? I don't really dance but then there's a lot of things that I don't really do but with her, I find it enjoyable to experience.
I dance with her on the dance floor. This girl. Kaya pala kahit sumayaw lang ay nababaliw na ang mga ito sa kaniya. She's so damn hot when she does. Napangiti na lang ako nang ikawit niya ang kamay sa akin while dancing sexily in front of me. Paano kung iuwi ko na ito?
Naghihiyawan pa ang ilang kaibigan niya dahil sa kaniya.
"Hindi ko alam kung gusto kong maging si Geco o si Amara!"
"Damn hot, Amara!"
"Hanggang tingin na lang kayo though, Geco is mine," she said, smirking looking at people admiring the two of us. Naghiyawan pa sila lalo roon.
Nang matapos ang kanta'y aalis na sana ako sa dance floor but she look at the DJ and grinned. Nag-thumbs up ang DJ sa kaniya kaya napakunot ang noo ko roon. Biglang napalitan ng mabagal ang romantikong kanta kaya nilingon ko siya habang naniningkit ang mga mata. The little things of One Direction started to play.
"This is what I dream of... A bunch of guys here might be admiring you and I am one of them... I'm glad that I can finally show my affection without thinking about anyone else... Years ago, I didn't have a chance to claim you. I will do it in front of everyone. They should be envious because I have you," she said, smirking at me.
Napatawa na lang ako nang magsimula kaming magsayaw ng slow dance habang ang energy ng lahat ay nabawasan. Well, Amara wouldn't be named a spoiled brat for nothing. Mukhang nakausap niya ang kaibigang may birthday ngayon.
The people in the party were just watching the two of us. She giggle habang umiikot. She made me spin as well. Kahit nahihiya'y hindi ko maipagkakailala na I also like this. My heart is so full. Para rin itong nagsasayaw sa ere. Nang matapos ang kanta'y mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"I love you, Georgina..." bulong niya sa akin.
"Okay, hindi lang pala ako isang beses marereject! Shot na! Sakit mo, Geco!"
Agad tumalim ang mga mata ni Amara nang lingunin ang nagsalitang 'yon. Hinawakan niya pa ang baywang ko bago pinagtaasan ang kilay kung sino man ang nagsalita.
Nakipagtuwaan lang kami panandalian bago kami nagtungo sa kaniyang mga kaibigan para magpaalam na.
Isang malapad na ngisi ang pinakawalan ni Que habang nakatingin sa aming dalawa.
"You won't be clingy, huh? Look who ate her words," natatawang saad ni Que habang nakatingin kay Amara na hindi binibitawan ang baywang ko. Nawala nga lang ang ngiti sa labi niya nang makita ang pagpasok ng isang matangkad na lalaking kumausap sa akin noon, nagtatanong kung girlfriend ako ni Que at makipaghiwalay na agad. Both of the arw crazy. Ang gago'y nagtago pa sa likod ng sofa. Napangisi si Amara bago kinanta si Que sa lalaki. Napailing na lang ako dahil ilang mura ang pinakawalan ni Que sa kaniya bago ako hinila na paalis.
Amara and I went to her condo.
"Huh? What do you mean you'll sleep in the guest room? May kwarto naman ako? I don't bite, Baby," she said, smirking at me. Napataas ang kilay ko roon. Hindi pa pala kagat ang nagmamarkang mga halik niya.
We just clean ourselves. Nang lumabas ako sa banyo, Amara is already putting lotion on her body. Amoy na amoy agad ang vanilla'ng amoy mula rito. I can't help but stare at her, looking at her bare face. Lumapit ako para lang halikan siya sa pisngi. Napataas ang kilay niya sa akin doon.
"You smell good. Ganda mo lagi." Amara looks gorgeous when she wears her makeup, she carries herself with elegance and confidence. Without it, she's still Amara, her bare face is captivating, real, and raw. I love both versions of her.
Pinatuyo ko ang kaniyang buhok. Nang matapos ako, tumayo siya para tumingin sa salamin. Napataas ang kilay ko habang pinapanood siya.
"I am starting to like this freckles on my face..." she said kaya napangiti ako habang pinapanood siyang nakatitig sa salamin.
"You should. I love how gorgeous it is in your face. It suit you so much," I said bago ako lumapit sa kaniya para yumakap. Hinalikan ko ang freckles niya sa pisngi rason kung bakit siya napatawa nang mahina habang nakatitig pa rin sa akin sa harap ng salamin.
"Live with me after I graduate... I'll open my own firm in Cebu."
"Are you sure you'll survive staying in our small island?" tanong ko sa kaniya. At kung sakaling sa Cebu siya magtatayo ng firm, paniguradong mahihirapan din siyang magpabalik-balik sa isla.
"There's no need for that because I'll come back here. Life in the island was so peaceful that it's hard to leave behind but you don't have to sacrifice a lot for me. I'll live with you. Gusto kong simulan ang araw ko na ikaw ang unang nakikita at tapusin na ang araw na magsasawa ang buong bahay habang pinapakinggan ang kwento nating dalawa..." malambing kong saad habang nakatingin sa kaniya sa salamin.
I can see the smile on her face because of what I said.
"I don't care at all where we'll stay, Baby... I just knew that you'll just always be my home..." Hinarap niya ako bago dinampi ang kaniyang labi sa akin.
We tried to sleep after that pero dahil masiyado rin kaming masaya, hindi agad nakatulog. Sabay kaming nagising ni Amara. I chuckled as I saw her being little bit grumpy now she woke up. I kissed her cheeks pero isiniksik lang niya ang mukha sa akin.
Nagtungo kami sa kusina pagkatapos, siya ang nagluto ng almusal habang ako naman ang nagtitimpla ng kape at gatas. Nagsindi lang din siya ng music habang nag-uusap kami sa kung anong mga gustong gawin ngayong araw. Pareho kaming napatingin sa isa't isa when "yakap sa dilim" by Apo Hiking Society play.
Napatawa ako nang mahina when Amara and I started dancing slowly. Tila ba unti-unti nang nagiging normal na lang ito sa amin.
Maybe this is really how love feels like. Tila maeengganyo ka biglang sumayaw sa musika. Na kahit ang magandang panahon, lalo pang umaaliwalas. Bumabango ang halimuyak ng almusal. Those small details about the other person started to become vivid in your eyes.
How her eyes sparkle when she's giggling, the small dimple on her chin when she smiles brightly, and how her hair color changes when it is directly hit by the sun. Lahat 'yon unti-unti ko nang napapansin.
She become that rose in the field of dandelions. No matter how many people I'll meet and see, my eyes will always remain looking at her.